HIRIT NG NETIZENS: JANE, PRESS RELEASE LANG NA GALING SA HIRAP
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 21, 2022

Marami ang nag-react sa mga kuwento ng buhay ni Jane de Leon na lumalabas ngayon.
Kauumpisa pa lang ni Jane sa fantaserye niyang Darna kaya raw siguro nag-iingay ang kanyang kampo to create awareness sa kanyang show. Kaya naman, kabi-kabila rin ang kanyang interviews para mai-promote ang Darna.
Marami naman ang nakikisimpatya at nakaka-relate sa pinagdaanang buhay ni Jane de Leon. Pero, given na siya ay galing sa mahirap na pamilya at siya ang tumatayong breadwinner, iba-iba ang reaction ng mga netizens nang ikuwento niya kay Ogie Diaz na asin, toyo at mantika ang inuulam nila noong hindi pa siya nag-aartista.
Pati na 'yung paghuli ng manok na hindi kanila ay kanya ring binanggit at hindi raw niya ikinahihiyang aminin 'yun.
Pero ang sabi naman ng iba, dapat ay hindi na ikinukuwento pa ni Jane de Leon ang bagay na ito.
Sa halip tuloy na maawa at makisimpatya sa kanya ang publiko ay na-bash pa siya na paawa epek lang daw at press release lang ang kanyang mga kuwento.
Hindi naman dapat ikahiya ang pagiging mahirap, basta nagsisikap na umangat sa buhay.
Hopefully, sumikat nga si Jane de Leon para maiangat ang buhay ng kanyang pamilya.





Comments