top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HIRIT NG NETIZENS: DIEGO AT BARBIE, TODO-DENY PA, OBYUS NAMANG HIWALAY NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 24, 2022




Marami na ang naku-curious sa magdyowang Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Tanong ng mga netizens, hiwalay na raw ba ang dalawa?


Kasalukuyang nasa Tate ang aktor kung saan doon siya nagpalipas ng Holiday Season.


Pero tapos na raw ang Pasko at Bagong Taon, hindi pa rin bumabalik sa ‘Pinas ang anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.


Pansin pa rin ng mga netizens na walang picture na magkasama sina Barbie at Diego sa bagong uploaded video nila sa pagtatapos ng 2021 at pag-welcome naman sa 2022.


At bakit daw pumunta ng US si Diego na hindi kasama ang girlfriend?


Matatandaang nitong bago magtapos ang 2021 ay ang daming ganap kay Barbie. Nandu’ng pinagsabihan niyang 'kabit' ang anak ni Jeric Raval na si AJ dahil sa pagma-Marites ni Xian Gaza tungkol sa kanyang BF at sa kapwa aktres na diumano’y may ‘something’.


Sinabi ni Xian na nililigawan umano ni Diego si AJ, na pinabulaanan naman ng sexy actress.


Si Barbie rin umano ang naging dahilan kaya nagkahiwalay ang matagal nang magkarelasyon na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.


Komento ng mga netizens:


"So tama si nunal (Xian Gaza). Pa-deny-deny pa ‘tong dalawa na ‘to.”


"How to tell you already broke-up without telling directly you broke-up."


"Okay lang ‘yan. Bata pa kayo, dami pang makikilala d’yan."


"Hiwalay na nga. Tapos na ‘yung movie, eh. Kawawang Barbie."


"Stay strong, Barbie and Diego, please?"


"Hiwalay na sila siguro, obvious naman."


"Another great example ng ‘pag relationship goals ang mga posts sa socmed, kabaligtaran sa totoong buhay."


"‘Yan ang mahirap, eh, sa huli napapatunayan na totoo naman pala ‘yung mga todo-deny n’yo!"


"Korek! Daming galit na galit kay nunal pero sa totoo lang, legit mga chika niya. Nakakainis siya sa nakakainis, pero legit ang pagka-Marites n’ya.”


"He booked the flight the day before he left. He has blue passport. Maski gustuhin ni Barbie sumama, ‘di siya makakapunta."


Pagtatanggol naman ng isang fan, "Acting like they're separated could also be a promo too. Kaka-anniv lang nila and Diego still likes Barbie's IG posts."


“Poor Diego and Barbie, masyadong nagpaapekto sa tirada ni Marites. Maybe their love for each other is not that strong. Look at KathNiel, ‘di ba, idinawit sila ni Marites? Anyare?


Nawala ang issue because Daniel cleared things out right away, ‘di na nagpaliguy-ligoy.”


“Also, pahirapang makakuha ng US visa ngayon lalo kung tourist. Hindi US citizen si girl while si boy ay dual, either US o Australian."


Well, pasasaan ba at lalabas din ang totoo sa young celebrity couple. Wait na lang natin kapag nakabalik na si Diego sa ‘Pinas.


Pero, sana ay magsalita si Barbie kung ano na talaga ang real score sa pagitan nila ni Diego.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page