top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hirit ng mga netizens: Spox. Roque, ‘certified sinungaling’!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2020
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 10, 2020



KASINUNGALINGAN NI ROQUE—Sa tuwing nagbibigay ng rekomendasyon si Vice-Pres. Leni Robredo tungkol sa laban kontra COVID-19 ay sinusopla ito ni Presidential spokesman Harry Roque, na kesyo ang iminumungkahi ng bise-presidente ay ginawa na ng Duterte gov’t.


Hirit ng netizens, kasinungalingan lang pala ang sinabi ni Roque kasi Abril 4, 2020 ay inirekomenda ni VP Leni na maglunsad na ng COVID-19 mass testing para mapigil ang pananalasa ng virus sa bansa, ‘yun pala ay walang ginawang ganito ang pamahalaan, mismong si P-Duterte ang nagsabi na ngayon niya napagtanto na importante ang pala ito (mass testing) sa kontra COVID-19, boom!


◘◘◘


PARANG GUSTONG PALABASIN NI ROQUE NA SINUNGALING ANG PANGULO—Ang sabi ni Roque, hindi late ang aksiyon ng Duterte gov’t. sa mass testing dahil dito (mass testing) nakatutok si Testing Czar, BCDA (Bases Conversion Development Authority) Administrator Vince Dizon.


Hay nako, nagsinungaling na naman si Roque at sa tema nang palusot niyang ito ay parang gusto pa niyang palabasin na sinungaling ang pangulo na nagsabing mahalaga ang mass testing at next year ay maglulunsad na ng libreng mass testing ang pamahalaan, period!


◘◘◘


KASINUNGALINGAN NI ROQUE KAY P-DUTERTE MAGBU-BOOMERANG—Bilang presidential spokesman, hindi dapat nagsisinungaling si Roque sa publiko kasi anumang kasinungalingan ang kanyang sasabihin ay kay P-Duterte ito magbu-boomerang dahil tagapagsalita siya ng Pangulo.


At dapat isalpak ni Roque sa kanyang kukute na siya ay sinusuwelduhan ng taumbayan para magsabi ng katotohanan bilang presidential spokesman, at hindi para magsinungaling sa publiko, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page