top of page

HIRIT NG FANS: XIAN AT KIM, SWEET-SWEET-AN LANG 'PAG MAY IPO-PROMOTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 16, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 16, 2023




May fan ni Kim Chiu ang nag-post ng comment sa social media, "Bakit 'di man lang nag -congratulate si Xian Lim kay Kim Chiu? Ano'ng klaseng boyfriend 'yan?"


Ang tinutukoy ng fan ay ang successful finale ng hino-host ni Kim na Dream Maker last Saturday kung saan nai-feature pa si Chinita Princess sa Korean website.


Collaboration kasi ng South Korea at ng Pilipinas ang Dream Maker.


Sinagot naman ni Xian ang netizen, "We don't really have to share everything on social media. It's more meaningful that way..."


Pero, may nambara sa naging sagot ni Xian.


"'We don't have to share everything on social media...' pero 'yung 'pag may ipo-promote o may upcoming project kayo together, ang sipag mag-share ng kung anu-anong sweet-sweet-an kahit hindi ka-share-share, haha!


"Para iko-congratulate lang ang jowa dahil proud sa pagkapanalo, eh, tinatamad ka? 'Yung isa naman, hindi man lang makadiretsong magsabi ng 'I love you' sa 'yo. Kaya, ang daming hindi naniniwala sa mga pautot n'yo, eh, hahaha!"


"True. Mas bet ko talaga private life pero kasi...... MGA ARTISTA KAYO. Dapat alam n'yo ang responsibility n'yo sa aming mga Marites. Tapos 'pag 'di na kayo napag-uusapan, kani-kanyang gawa ng gimmick. Oh, puhleaaase!!!!"


"For me, ito talaga 'yung couple na walang ka-spark-spark. Ni katiting, walang mararamdaman na kilig," hirit pa ng isa.


"Boring ang dalawang ito, not so interesting."


Talaga ba?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page