top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

HIRIT NG BFF: AWAY NINA SHARON AT KC, 'WAG NANG GATUNGAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2023
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 4, 2023



May pakiusap ang isang talent manager na malapit na kaibigan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.


Sana raw ay ‘wag nang gatungan pa ng media ang isyu at tampuhan ng Megastar at ni KC.


Usapang-pampamilya lang daw ang nagaganap at sila lang din ang makakaresolba sa kanilang internal family problem.


Sabi nga, “family matters” daw ito na hindi na dapat palakihin pa. ‘Wag na raw sumawsaw pa ang iba na wala namang alam sa tunay na pangyayari.


May nag-akala tuloy na para lang sa promo ng reunion concert nina Sharon at Gabby Concepcion ang nangyayaring sagutan sa social media, lalo na’t nagpo-promote rin si KC ng pelikula niyang Asian Persuasion kaya nasa ‘Pinas ito ngayon.


Pero ang siste, sina KC at Sharon mismo ang nagbibigay ng dahilan para pagpiyestahan sila ng mga Marites. Wala namang pag-uusapan kung walang nagsimula ng issue.


May ilan naman ang nag-advise kay KC na dapat ay magpakasal na rin ito sa kanyang boyfriend upang magkaroon na ng sariling pamilya na makakasama. Hirap kasi siyang mag-adjust sa pamilya ng kanyang mom, pati na rin sa mga kapatid niya rito, ganoon din naman sa pamilya ng kanyang Papa Gabby. Kaya feeling ni KC ay mag-isa na lang siyang namumuhay.


Sabik sa pagmamahal ng kanyang pamilya si KC, kaya hindi niya mapigilan ang maglabas ng saloobin sa social media. At inamin din niya ang pag-unfollow sa kanyang stepdad na si former Senator Kiko Pangilinan at sa kanyang kapatid na si Frankie Pangilinan dahil gusto niya ng peace of mind.


Dinamdam naman ni Megastar ang ginawa ni KC kaya todo-emote siya sa social media.


May ilang netizens ang nagsasabing partly ay may kasalanan din si Shawie kung bakit nagtatampo si KC.


Ikinukumpara kasi siya ng ina sa kanyang mga kapatid na sina Frankie at Miel Pangilinan, sabay puri rin sa mga ito. Talagang masakit ‘yun para kay KC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page