Hirit na ibasura ang rape case, tablado… VHONG, KULONG PA RIN
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 26, 2022

Na-deny ang motion for reconsideration na isinampa ni Vhong Navarro at ng kanyang legal team sa Court of Appeals na nagbaligtad ng dismissal na hatol ng Department of Justice sa rape case na isinampa naman ni Deniece Cornejo sa comedian-TV host.
Dinesisyunan ng Court of Appeals ang pag-file ng kasong rape at acts of lasciviousness laban kay Vhong.
Sa pag-deny sa motion for reconsideration ng kampo ni Vhong na ibasura ang kasong rape sa kanya, Court of Appeals Special 14th Division says that while prosecutors have discretion to determine probable cause for filing cases, the court can review whether that discretion was gravely abused.
Ang isyu tungkol sa kredibilidad is best determined by a court after trial, ayon sa report.
Disappointed ang mga netizens sa pangyayaring ito.
“With the kind of leaders and politicians we have now and the kind of justice we have, only prayers can save you, Vhong. We are all praying for you. Hang in there.”
“Something fishy.”
“Syndicate is at it again! Highest bidder wins!”
Umaasa naman ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro na magkaroon ng magandang resulta ang request nila at mapagbigyan ng korte na makapagpiyansa si Vhong sa kasong rape.
“I know it’s a non-bailable case but,” sabi ni Tanya nu’ng makausap namin siya last Wednesday.
Dugtong pa niya, “We have a strong evidence that it didn’t happen. Yeah, sobrang strong.
Kaya nga po naipanalo namin ‘yan several times, ‘di ba? Ni-reverse lang.”
Nahingan namin ng reaksiyon si Tanya sa sinabi ng businessman na si Cedric Lee na vindicated siya at tinawag si Vhong na serial rapist.
Si Cedric at ang kanyang grupo ay sinampahan ni Vhong sa korte ng serious illegal detention dahil sa pambubugbog at pangingikil sa komedyante-TV host. Ang naturang kaso ay patuloy pa ring nililitis sa korte.
“Siyempre, galit na galit ako. Ni hindi ako makapag-formulate ng kung ano’ng masasabi ko right now because siyempre, hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung feeling of… na vindicated siya, hindi ko alam. Kasi si Vhong ‘yung victim, ‘di ba?
“Si Vhong ‘yung victim. He may have cheated on me. Sa akin siya may kasalanan. Pinatawad ko na siya. So, wala siyang atraso kina Cedric, kina Deniece,” diin ni Tanya.
Samantala, thankful si Tanya sa suporta ng ABS-CBN kay Vhong.
“Ang support naman po ng ABS kay Vhong, very welcome siya sa (It’s) Showtime kahit na-reverse na ‘tong (dismissal ng rape case)… Sinasabi po nila, ‘We’re behind you.’ So, trabaho, nand’yan pa rin, naghihintay sa kanya,” lahad pa ni Tanya.
When asked kung sumagi sa isipan niya na may kinalaman ang pagiging Kapamilya star ni Vhong kaya muling nabuhay ang kasong isinampa sa kanya na una nang na-dismiss nang matagal na panahon, “I hope not,” aniyasabay iling.
“Sana, walang kinalaman doon, walang koneksiyon. Kasi personal ito na naging alitan, naging problema. Sine-settle namin ng ganoon. Sana, walang mas malaking koneksiyon.”





Comments