top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hirap ng mag-aaral at guro sa distance learning, dapat nang tugunan

BULGAR
Aug 20, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | August 20, 2021


Kawalan ng access sa kompyuter at internet connection, mababang computer skills at halaga ng internet access.


Ito ang itinuturong dahilan ng maraming estudyante ng pampublikong paaralan kaya hindi makapag-aral nang tama ang mga ito sa ilalim ng ipinatutupad na remote learning dahil sa COVID-19 pandemic.


Base sa survey na isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement), nasa 66% hanggang 86% ng 1,299 public students na kanilang tinanong ang nagsabing hindi sila gaanong natuto sa mga online learning.


Sa ilalim naman ng modular learning, mayroong 86.7% ang nagsabing hindi sila natuto. Habang mayroong 74% ang nasa ilalim ng blended learning na nakapag-aaral. Umabot naman sa 66% ang nagsabing hindi sila gaanong nakapag-aaral sa full online learning.


Sa totoo lang, matagal na itong problema at kung tutuusin, pati ang mga guro ay hirap din sa ganitong sitwasyon.


Dahil dito, maraming guro ang hindi sang-ayon sa ipinatutupad na modular at distance learning dahil sa iba’t ibang hamon na kinahaharap ng mga mag-aaral at maging ang mga magulang.

At kabilang na ang kawalan ng internet at kaalaman sa paggamit ng kompyuter.


Hindi dapat maisakripisyo ang kalidad ng edukasyon habang kinahaharap natin ang pandemya.


Tandaan na may malaking epekto sa kinabukasan ng mga mag-aaral ang edukasyon na natatanggap nila ngayon.


Kaya plis lang, panawagan sa mga kinauukulan, pag-aralang mabuti kung paano tutugunan ang problemang ito ng mga mag-aaral at guro.


Kailangan na itong masolusyunan sa lalong madaling panahon kung nais nating maitaguyod ang edukasyon sa gitna ng krisis pangkalusugan na ating nilalabanan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page