top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirap na hirap sa pagbubuntis… ANGELICA, NAGSUSUKA, UMIIYAK, TAWA NANG TAWA, MAINIT ANG ULO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 31, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 31, 2022




Matagal nang pangarap ni Angelica Panganiban na maging ina pero aminado siyang hindi niya inaasahan na darating ito sa pagkakataong ito.


Kuwento ng aktres sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News, biglaan lang ang pagkaka-discover niya na buntis siya.


"Nalaman ko siya sa hindi namin ini-expect na pagkakataon,” pagbabahagi ng aktres.

“Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng locked-in para sa My Papa Pi, kasama si Papa Pi (Piolo Pascual).”


Delayed na raw ang period niya that time, pero ayaw niya pa ring isiping buntis siya dahil noon pa naman daw ay tina-try na nila talaga ng partner niyang si Gregg Homan na magka-baby, pero laging negative.


“So, sa isip-isip ko naman, parang imposible, kasi we've been trying, eh. Kaya lang, lagi namang negative 'yung result. So, parang ayaw ko na ma-heartbroken. So, parang 'Hindi, feeling ko darating 'yung period ko,’" aniya.


Pero hayun na nga at positive na ang result. That moment, litung-lito na raw siya at hindi na niya alam ang gagawin.


Siyempre, given na sobrang saya niya but at the same time, sana raw ay kasama niya ang partner sa magical moment na ‘yun.


“Litung-lito talaga ako. Siyempre, gusto kong puntahan ‘yung mama ko, gusto ko siyempre, makasama ang partner ko, na kami ang magse-celebrate, kami ang magkasamang pupunta sa hospital, kami ang magpapa-checkup together.


“Hindi ko alam, talagang ang weird ng naramdaman ko. Talagang nag-earthquake ang katawan ko, nanginginig ang kamay ko. Then nagpa-panic na ako, kasi 'di ko talaga alam ang gagawin ko,” kuwento pa ng aktres.


At nang sinabi na nga niya kay Gregg ang magandang balita, nag-iyakan daw silang dalawa at hindi na nagkaintindihan.


“Siya 'yung nagpa-panic kasi ang layo ko. Nasa Subic siya, nasa Antipolo ako, so parang gusto niya akong puntahan. 'Di puwede, naka-bubble ako, naka-RT-PCR kami lahat dito, mahirap. Talagang ang hirap ng mga unang oras namin. So, parang gusto kong tumakas, gusto ko talagang umalis. Gusto mong yakapin ang person na 'yun, pero wait, hintayin natin," sey pa niya.


Ayon kay Angelica, mahirap man ang first trimester niya dahil nga bago lahat sa kanya ang pakiramdam ng naglilihi, maligayang-maligaya niya itong in-embrace lahat.


"Medyo mahirap siya dahil 'di ko talaga naiintindihan ‘yung nangyayari sa katawan ko. Suka, tapos iiyak, tatawa, mainit ang ulo. Biglang para akong kinikiliti kakatawa ko. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko. Ang babaw-babaw ng lahat. Tapos, lahat siyempre, naaamoy mo, totoo pala 'yun. Lahat, naririnig mo. Konting galaw, ramdam mo.


"But ine-enjoy ko, ine-enjoy ko talaga dahil nga ang tagal ko itong hinintay. Lahat ng mga kaibigan ko, kapag nabubuntis, ako 'yung mahilig mag-interview na kung ano ang pakiramdam, ganyan. Tapos, naa-amaze lang ako sa pagiging babae, parang 'Wow, ang galing, mararamdaman ko kaya 'yan?' So, nu'ng ‘etong dumating siya, parang kahit mahirap ang pagsusuka, ine-enjoy ko lang,” lahad ni Angge (palayaw niya).


Nagpasalamat ang aktres sa Star Magic management na kaagad naintindihan ang kanyang sitwasyon kahit may trabaho pa siyang dapat tapusin.


“Sobrang thankful ko dahil hindi nila ako pinahirapan. Talagang walang pagpilit na mag-stay pa ako, i-try ko, tapusin ko 'yung isang season, wala, walang ganu'n. Talagang inintindi nila ako. Open arms nilang tinanggap 'yung good news. Lahat sila, tumawag, lahat sila, nag-text, nagko-congratulate sila, sobrang supportive nila," sey pa niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page