Hirap na hirap lalo’t katabi ang cameraman… RHIAN, AMINADONG ‘DI KOMPORTABLE SA KISSING SCENE
- BULGAR

- Jul 12, 2025
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 12, 2025
Photo: Rhian Ramos - IG
Aminado si Rhian Ramos na may ilangan factor nang kunan ang love scenes nila ni JC Santos sa first movie nila together na Meg & Ryan (M&R).
Sey ng aktres sa grand mediacon ng nasabing romantic-comedy film, natural naman talaga sa kahit kaninong artista ang ma-awkward sa love scenes dahil hindi raw ito madaling gawin.
“Honestly, love scenes are some of the most awkward scenes that you can possibly do. I get asked a lot kung nagselos ba si ganito, ‘yung parang ganu’n,” sey ni Rhian.
“But sa totoo lang, ang hirap din talaga na tanggalin sa isip mo na napakaraming taong nanonood. So, it’s really up to the two of you to trust each other and try your best to make each other feel comfortable kasi nga, there’s so many factors why you should be uncomfortable.
“Conscious ka sa katawan mo, conscious ka kasi katabing-katabi lang ng face mo ‘yung cameraman,” dagdag niya.
Kung nailang man daw siya, hindi naman ito dahil kay JC dahil naging napaka-gentleman daw ng aktor sa kanilang maseselang eksena.
“It's definitely not because of JC. He was a gentleman the whole time, making me feel as comfortable as possible. But sa totoo lang, you can’t be fully comfortable in a love scene,” sey ng aktres.
Aniya pa ay nag-enjoy daw siya working with JC.
“Napaka-generous n’ya as an actor. If there’s anything that he can do to help you, he will,” papuri niya sa leading man.
Para naman kay JC, very proud siya na nakatrabaho si Rhian at isa raw talaga ito sa mga nasa listahan ng kanyang bucket list.
“Working with Rhian, ako, until now, I’m still honored, I mean, this is Rhian Ramos. Isa s’ya sa parang check sa bucket list na sana makatrabaho ko and it’s happening now.
“At nakita ko ‘yung process n’ya, nakita ko kung paano siya makapagtrabaho and I enjoyed every moment of it. At nakita ko ‘yung dedication kung paano niya ibigay ‘yung truth nu’ng scene. So ako, super-sulit sa akin ‘yun,” pahayag ng aktor.
Ang rom-com film na M&R ay kuwento nina Meg (played by Rhian) and Ryan (played by JC) na nagkakilala sa hindi inaasahang pagkakataon.
Mula sa direksiyon ni Catherine O. Camarillo, showing na ito sa mga sinehan nationwide ngayong Aug. 6. Produced by Pocket Media Productions, kasama rin sa pelikula sina Cedrick Juan, Ces Quesada, Cris Villanueva, Jef Gaitan among others.
MAY hugot sina Kokoy de Santos at Analyn Barro sa kanilang mga ex na ikukuwento nila sa Kapuso vodcast na Your Honor (YH) kasama ang mga hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.
Sa Session #28: In Aid of Moving On, pag-uusapan nila kung sino nga ba ang mas matagal maka-move on – ang babae ba o ang lalaki?
Based on their experiences, paano nga ba naka-move on si Analyn na nahuli ang jowa na may kasamang iba, habang si Kokoy naman na muntik may makasuntukang aktor dahil sa babae?
‘Yan ang exciting episode ng YH this Saturday, 7:15 PM sa YouLOL YouTube (YT) livestream. Mapapanood din ‘yan sa YH Spotify at Apple Podcasts.







Comments