top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hirap na hirap daw sa sakit… NETIZEN KAY VILMA: NA-COVID KA NA, NAKAPAG-VIDEO PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 4, 2022



Nag-positive pala sa COVID si Vilma Santos-Recto bago pa siya nag-birthday kahapon, Nov. 3.


Ibinahagi ito mismo ni Ate Vi sa kanyang Facebook account. Advise raw ng kanyang doktor ay magpahinga siya nang husto.


Kaya pala ang daming naghahanap sa Star for All Seasons nang magpa-baby shower ang anak niyang si Luis Manzano at si Jessy Mendiola sa kanilang coming baby na si Peanut.


Sabi naman ng isang intrigerang netizen, "Oh, 'di ba? Nagka-COVID na, nakapag-video pa."


Walang ibang ibig sabihin si Ate Vi sa pagbabahagi niya na nag-positive siya sa COVID.


Pinag-iingat lang niya ang mga tao nang sa gayun ay hindi mahirapan ang mga ito nang tulad ng pinagdaanan niya.


Scary daw talaga kapag nagpositibo sa COVID.


Nagpapasalamat siya dahil nalagpasan niya ang hirap at dusa.


Kaya ang warning ng Star for All Seasons, "Please... please... please.. always keep safe po."


Isa sa pinakamababait na artista si Vilma Santos, sa totoo lang!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page