top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirap na hirap daw sa ginawa… SID, NAKIPAG-ORGY SA 6 NA BABAE!

BULGAR
May 31, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 31, 2022


Sid Lucero is on fire!!!


Yes, dahil muli na naman niyang ipinakita ang husay niya sa pag-arte na tingin namin ay nilalaro na lang niya ang bawat eksena sa mga ginagawa niyang pelikula.


Tulad sa latest movie niyang Virgin Forest na mapapanood sa Vivamax sa Hunyo 24 mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza na alam naman ng lahat na walang script at bahala ka na sa mga linya mo.


Napanood namin ang trailer ng pelikula sa private screening ng Pusoy kamakailan at grabe, ang husay-husay ni Sid kaya naman super-palakpak sa kanya ang mga invited media at vloggers.


Nang malaman niya ito sa nakaraang virtual digicon ng Virgin Forest nitong Biyernes, Mayo 27, ay natuwa ang aktor sa mga narinig na papuri sa kanya.


Ang nakakagulat ay ang orgy scene ni Sid kasama ang anim na babae sa waterfalls na lahat sila ay hubo’t hubad at ito rin ang ginawang poster ng Virgin Forest.


Tulad ni Baron Geisler na nahirapan sa love scenes nila ni Janelle Tee sa Pusoy ay ganito rin ang naramdaman ni Sid, na sa lahat ng mga nagawa niyang pelikula ay dito sa orgy scene siya hirap.


“Honestly, it hurts. That’s the first thing you will realize, it’s painful. There’s nowhere to rest any part of your body. At the same time, there is something that the director wants to capture.

“The falls is so noisy you don’t understand what’s happening because you can’t hear the direction.

“All of us, like three people, standing on a tiny rock because if you don’t stand there… It was not easy.

“As an actor naman, the only thing that was going on in my head was that we’re all in this together. We’re all naked and whatever, respetuhan na lang,” pagtatapat ng aktor.


Gaganap si Sid bilang photographer na makakadiskubre ng isang gubat na hindi lang punumpuno ng mga mauusbong na halaman at puno, kundi pati na rin ng mga taong puno ng kasakiman at pagnanasa.


Dito niya nakilala sina Angeli Khang as Karla at Katrina Dovey as Angela bilang mga pilit na pinagtatrabahong prostitute at ililigtas sila ni Sid kaya dito na magsisimula ang mga karumal-dumal na pangyayari.


Kung mahina ang dibdib mo ay tiyak na hindi ka tatagal sa mga duguang eksena sa Virgin Forest, pero ang ganda at tiyak na magugustuhan ito ng mga taga-ibang bansa na mapapanood din nila through Vivamax.


Ka-join din ang premyadong aktor na si Vince Rillon, Micaella Raz at Rob Guinto, produced ng Viva Films.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page