top of page

Hirap magbuntis… MISIS NI ALFRED, 10 BESES NAGSUSUKA, MAY PANIC ATTACK PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 28, 2023


ree

Very proud brother si Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas sa kanyang brother na si QC 5th District Congressman PM Vargas, kaya wala sa plano niyang palitan ito sa posisyon sa susunod na eleksiyon.


“I am very, very happy and he is doing a good job being a congressman. I am also happy sa rating niya. Happy ako sa trabaho niya at dahil diyan, I can do teleserye at nakakagawa ako ng movie.


Naka-attend pa nga ako ng GMA Gala Night at ang teleserye ko, buo na ang participation ko, hindi lang sa pilot week o kaya sa ending. Hindi rin ‘yung pinapatay ang karakter ko,” wika ni Alfred.


Si Cong. PM o Patrick Michael ang itinuro ni Alfred na co-producer ng mga pelikulang ginagawa niya. Thankful siya sa kapatid dahil lahat ng kanyang gustong role ay nagagawa niya. Buo rin ang tiwala nito sa kanya, pati na rin sa mga direktor ng mga ginagawang pelikula.



ree

Co-producer si PM sa Alternative Vision Cinema film production ni Alfred na ang latest movie ay ang Pieta with Nora Aunor. Siguradong kasama rin si PM sa mga umaasa na mapili ang pelikula ni Director Adolf Alix, Jr. sa 2023 Metro Manila Film Festival dahil isa-submit nina Alfred for the filmfest ang movie.


“I think it will be good for the Philippine Cinema kung sa MMFF, may Vilma Santos, may Sharon Cuneta, at may Nora Aunor. Isa-submit namin ang Pieta na almost 90 % finished na, aabot kami,” paniniguro ni Alfred.


Samantala, nalaman namin kay Alfred na ang 13 weeks pregnant wife niyang si Yasmine Vargas ay may generalized anxiety disorder o GAD. Bigla na lang daw nagkakaroon ng panic attack si Yasmine at nagpa-palpitate.


“Biglaan ang panic attack niya. May hyperemesis gravidarum (labis na pagsusuka ng isang babaeng nagdadalantao) pa siya at may days na ten times siyang sumusuka. Mabuti at kumakain siya, kaya may isinusuka. Kaya, kung may food siyang nagustuhang kainin, hinahanap ko talaga.


Hirap na hirap ang misis ko at sa nakikita kong sakripisyo niya sa anak namin, lalo akong nai-in love at bumibilib sa kanya. Kung puwede lang akong lumuhod sa kanya para magpasalamat sa sakripisyo niya, gagawin ko,” ayon pa kay Alfred.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page