top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hirap isiping hindi sasali sa 2022 election ang partnership nina P-Digong at Go

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 05, 2021



TEKA, teka, teka, bakit hindi pa nagsusumite ng withdrawal ng COC si Sen. Bong Go?


Huh, na-bluff kayo, ano?


He-he-he.

◘◘◘


MAHIRAP talaga isiping hindi sasali sa 2022 election ang partnership nina P-Digong at Go.


Eh, saan nila dadalhin ang mga gustong “mag-donate” para sa halalan?


Sayang naman!

◘◘◘


SA gitna ng lahat, desidido ang kampo nina BBM at Mayor Sara na idiretso na ang kampanya.


Simple lang ang formula.


Palakasin pa nang todo ang balwarte.


At magtodo ng resources sa mga teritoryo na naiiwan sila!


◘◘◘


MAHALAGA ay mag-filed-up ng boto ang Marcos-Duterte.


Ibig sabihin, hindi sila dapat makalmante, bagkus ay dapat pag-ibayuhin pa nang todo ang pangangampanya.


Palalakasin pa nang todo ang suporta — upang sakaling may humabol o pumorma na tipong “dark horse” — magmistulang itong “banderang-kapos”!


◘◘◘


HINDI na dapat maulit pa ang naranasan ng Marcos camp sa nakaraang vice-presidential race.


Nagkampante ang Marcos camp sa pag-aakalang ang “llamado” ay laging nagwawagi!


◘◘◘


KUMBAGA sa boksing, kahit llamado ang boksingero, dapat paramihin pa niya ang puntos.


Kasabay niyan, magreserba siya ng enerhiya hanggang sa katapusan ng laban!


◘◘◘


KUNG pinarami nang pinarami ni BBM ang kanyang puntos habang nangangampya kontra VP Leni, dapat siya ang nagwagi.



Hindi kailanman, kayang dayain — kapag umaalagwa nang todo ang nangunguna.


Dapat mistulang “knockout” agad ang mga kaalaban sa lahat ng yugto ng labanan!


◘◘◘


DAPAT kung ano ang gawin ng kalaban, ginagawa rin ito ng Top 1.


Kung nag-uubos ng resources ang mga kalaban, aba’y dapat ding maglabas ng resources ang Top 1.


Hindi puwedeng maging plastic o magkunwari, dapat ngipin-sa-ngipin—gastos kontra-gastos.


'Yan mismo ang formula ni dating Pangulong Marcos nang ito ay buhay pa.


Hindi nagpapahuli sa gastuhin sa kampanya ang Matandang Marcos!


◘◘◘


NAWALA sa Malacañang ang Matandang Marcos — dahil humigit-kumulang lamang sa isang milyong boto ang agwat niya kay Tita Cory.


Pero, kung tinambakan ni Marcos si Tita Cory ng lima o 10 milyon boto — hindi makakaporma ang Dilawan!

◘◘◘


MAHALAGA ang salapi sa kampanya.


Pero ang pinakamahalaga pa rin ay ang aktuwal na boto ng mga tao!


◘◘◘


SAKALING tumuloy si Go bilang presidentiable at nasa likod niya si P-Digong—mapanganib ito.


Si Go ang magiging may pinakamalaking resources sa kampanya—materyal man at cash!

◘◘◘


PERO, kapag sobra-sobra ang boto na maiipon ni BBM sa panahon ng kampanya at hindi kakampante, mahihirapan pa rin si Go na mai-convert ang “cash and resources” na maging boto na kanyang ikapapanalo.


Pero, kapag nagkalmante at nagkiyeme-kiyeme ang kampo ni Marcos—puwede ulit siyang masilat o tulad sa kanilang “termino” ay madaya muli!


◘◘◘


WALA ring kasi sa kasaysayan na “2 sunod na madadaya sa election”.


Kapag nadadaya palagi, ano ang ibig sabihin nun?


Dapat manatiling masipag at patuloy ang kampanya nang walang patid na may kasamang pagtustos sa makinaryang maghahatid sa tagumpay!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page