top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Hirap daw sa first trimester… GLAIZA, BUNTIS NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly| September 14, 2026



Glaiza De Castro - IG

Photo: Glaiza De Castro - IG



Magiging mommy na ang aktres na si Glaiza de Castro!

Kinumpirma niya sa kanyang recent Instagram (IG) post na preggy na siya sa first baby nila ng non-showbiz husband na si David Rainey kalakip ang kanyang maternity photos.


Sa mga larawan na ipinost ni Glaiza ay kitang-kita na ang kanyang baby bump.

Sa caption ay sinabi niyang nakalampas na siya sa first trimester at mukhang hindi ito naging madaling journey sa kanya.


“Entering another chapter (pregnant emoji). So glad I’m through the first trimester because… GRABE PALA!” pahayag ng aktres.


“I will share more about this soon!” sey pa niya.


Malaking tulong nga rin sa kanya ang pakikipagkuwentuhan sa ibang mga babae tungkol sa kanyang pinagdaraanan.


“It’s also been so nice and comforting talking to other women about this journey as a first-time mom. I need all the help I can get (teary-eyed emoji). Basta masasabi ko lang, ibang klase talaga ang mga nanay,” saad ng aktres.


Matatandaang ikinasal sina Glaiza at David noong 2021 sa Ireland, sa hometown ng huli. Noong 2023 ay nagkaroon naman sila ng beach wedding, this time ay sa Pilipinas naman.





Ikakasal na sana…

JULIE ANNE, SHOCKED SA PAGKAMATAY SA CO-MEMBER SA SUGARPOP



HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Julie Anne San Jose na wala na ang kanyang kaibigan at dating fellow member sa Sugarpop na si Vanessa Blanca.


Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), muling sinariwa ng Asia’s Limitless Star ang araw na pumanaw ang kanyang kaibigan noong August 19, sa edad na 30.


“It was a total shock for all of us,” aniya. 


Kuwento pa ng aktres-singer, “She was such a good person, a very jolly person. And s’ya ‘yung komedyante sa aming lima. And sa aming lima, parang s’ya ‘yung pinakabata pero s’ya ‘yung pinakamaraming wisdom. Sobrang mature n’ya.”


Saad pa niya, “Nu’ng una, ‘di ako makapaniwala. ‘Di talaga ako makapaniwala. Actually, until now, ‘di ako makapaniwala. It was so surreal.”


Inalala rin ng aktres na nakatakda silang mag-reunion ng mga Sugarpop members bago pumanaw si Vanessa dahil nakatakda na itong ikasal sa non-showbiz fiancé nito.


“We were planning for a reunion sana kasi she was supposed to be married,” pagbabalik-tanaw ni Julie Anne.


“It makes us sad kasi she’s so young. S’ya ‘yung pinakabata sa amin. And then, alam mo ‘yung kung kailan talaga parang gusto mo mag-settle... Ito na ‘yung panibago mong buhay. You’re making a life with your loved one, your partner. ‘Di ko ma-imagine. Hanggang ngayon, sobrang surreal pa rin,” sey niya.


“Talagang mare-realize mong maikli ang buhay. Kaya talagang make the most out of it,” saad pa ng girlfriend ni Rayver Cruz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page