top of page

HIPON GIRL, TINURUANG KUMANTA ANG MGA KANDIDATA SA MISS PLANET INTERNATIONAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 12, 2022



Kinaaliwan si Herlene Nicole Budol sa isang video kung saan tinuturuan niya ang mga kapwa kandidata ng Miss Planet International ng kantang Moon ni Nik Makino.


Game ang mga kandidata ng Miss Planet International na nakikanta at nakisayaw kay Herlene.


Natuwa ang mga followers ng 1st runner-up ng Bb. Pilipinas 2022 dahil ang galing daw nitong makipagkaibigan sa mga kandidata. Keber daw kung hirap siyang magsalita nang diretso sa wikang Ingles.



Kasalukuyang nasa Uganda sa Africa si Herlene para kumatawan sa Pilipinas para sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda, Africa sa November 19.


Aba, kung sa Miss Congeniality lang ay akmang-akma si Herlene sa special award na 'yun. Pero siyempre, much better kung korona ng MPI ang maiuuwi niya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page