top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HIPON GIRL, PINAG-AAGAWAN NA NG MGA CELEB VLOGGERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 29, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 29, 2022



Masayang-masaya ang Bb. Pilipinas First Runner-Up na si Herlene Budol nang mag-celebrate ng kanyang 23rd birthday recently.


Du’n na sa kanyang bagong bahay siya naghanda. Nandu’n at bumati ang kanyang mga mahal sa buhay, ganu’n din ang kanyang mga kaibigan at kababata sa Angono.


Natupad din ang birthday wish ni Herlene na makapagsuot siya ng Darna costume sa kanyang birthday party.


Patuloy ang pagdating ng mga paanyaya kay Herlene sa iba’t ibang okasyon. Natabunan na niya nang husto ang nanalong Bb. Pilipinas 2022 na si Nicole Borromeo ng Cebu.


Maging ang ilang celebrity vloggers ay gusto siyang maka-collab.


Well, tiyak na magkakaroon din siya ng offer na mag-endorse ng mga produkto.


Sa tagumpay na nakamit ngayon ni Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl, tiyak na hindi na siya mabu-bully at hahamakin. Nag-level-up na ang kanyang status sa buhay ngayon. At patuloy niyang pasasalamatan ang Wowowin host na si Willie Revillame na naging daan kaya siya napasok sa showbiz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page