top of page

Hindi si Sharon… IBINUKING NI KAKIE: SI KIKO ANG NAMAMALENGKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 10, 2025





Napaka-sweet naman ng pangalawang anak ni Sharon Cuneta sa muling tumatakbong senador na si Francis “Kiko” Pangilinan na si Frankie.


Kahit wala sa ‘Pinas ngayon si Kakie (palayaw ng dalaga) at busy pa para sa nalalapit niyang college graduation sa USA, nakaisip pa rin ito ng paraan at talagang nag-effort maipakita lang na sinusuportahan niya ang pagbabalik-Senado ng ama.


Idinaan ni Kakie sa handwritten letter na addressed sa mga city mayors sa buong bansa ang suporta para maikampanya si Kiko, at dito niya ipinakilala ang pagkatao ng ama.

Proud na ipinost ni Megastar Sharon sa kanyang Instagram account ang mahabang handwritten letter ni Frankie.


Dito ay nabanggit ng dalaga na sa loob ng ilang taon ay nakaranas ang kanyang ama ng iba't ibang paninira sa pagkatao nito na aniya ay “heartbreaking” dahil ‘di naman totoo.

Idiniin din niyang “humble man” ang ama at napakasimple nitong tao na ang t-shirt nga raw ay dekada nang ginagamit at ang pinakikinggan ay disco music.


“Mahiyain po ang tatay ko,” aniya. “Siya po mismo ang namimili na mga household groceries at namamalengke para sa amin, and he attends all our sport meets, recitals, parent-teacher conferences. He's used the same watch and wallet for as long as I can remember, and wore the same pair of Converse sneakers for the 14 years. It took one of my cousins to notice at binilhan po siya ng bago, at ‘yun po mismo ang suot ni Daddy ngayon sa pagkampanya.”


Dagdag pa niya, “Habang buhay po siyang ganito. He has served the Filipino people for over 20 years with this consistency, this diligence and discipline. And I know for certain that, with your help, he will continue to advocate for that which he has always stood for: FOOD SECURITY and the Filipino farmer.”


Binanggit din ni Kakie na wala silang bilyong budget para sa kampanya ng ama, pero naniniwala siyang sa rekord na naitala nito sa ilang taon nang paglilingkod, lalo na para sa agricultural development, dapat makakuha ng suporta si Kiko mula sa ating mga kababayan nang maibalik din nito sa mamamayan ang tulong ‘pag ito'y muling naging senador.


Samantala, sa comment section ng IG post ni Mega ay mababasa na ikinagulat ni Kakie ang pag-post at pag-tag sa kanya ng ina ng kanyang handwritten letter. 


Aniya pa, 30 minutes na niyang tinatawagan si Sharon pero hindi ito sumasagot.

Sa reply lang ni Sharon kay Kakie sa IG nalaman na naka-DND (Do Not Disturb) mode pala siya kaya dedma sa mga calls ng anak.


Na-happy naman ang mga netizens sa convo ng mag-ina at touched na touched sila sa gesture ni Kakie para kay Kiko kaya nangako ring susuportahang muli ang senatorial bid ng ama sa Lunes, Mayo 12.


Just curious and asking, ano naman kaya ang ginagawa ng iba pang anak nina Sen. Kiko at Sharon para suportahan ang senatoriable, especially KC na milyun-milyon din ang supporters and followers sa socmed, ha?



KAUGNAY ng pagdiriwang ng Labor Day noong MAY 1, tinalakay ng CIA with BA hosted by Sen. Alan Peter Cayetano and Tito Boy Abunda (on leave ang isa pang host na si Sen. Pia Cayetano na tumatakbong senador) ang mahahalagang isyu ng mga manggagawa sa segment nitong Tanong ng Pilipino sa episode noong Mayo 4.


Isang manonood mula Quezon City ang nagtanong tungkol sa kanyang employer na walang ibinigay na pormal na kontrata.


Tatlong taon na raw siyang nagtatrabaho sa kumpanya pero wala siyang kontrata. Kaya ang tanong niya, “Saan puwedeng lumapit na Labor [office], sa main branch po ba?”


Sumagot ang legal expert na si Atty. Matt Cesa at ipinaliwanag na ang mga reklamo ukol sa labor ay maaaring idulog sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office na pinakamalapit sa lugar ng trabaho.

Sinang-ayunan din ni Atty. Cesa ang sinabi ng nagtanong na ang alam niya, 180 araw o katumbas lang ng 6 na buwan na pagtagal sa trabaho, dapat ay regular na siya.


Ani Atty. Cesa, “Tama [‘yon] na after six months or 180 days, regular na dapat ‘yung employee. Pero lagi nating tatandaan na ‘yung probationary employment, dapat sinasabi ‘yan at the time na pumasok ka sa trabaho mo.”


Binigyang-diin niya na dapat malinaw na sinasabi ng employer kung ang isang manggagawa ay nasa probation period, at dapat ipaalam din ang mga pamantayang kailangang matugunan ng empleyado.


Ang daming natututunan ng viewers tungkol sa batas sa CIA with BA kaya naman parami nang parami at patuloy na nadaragdagan ang mga tumututok sa programa na napapanood tuwing Linggo, 11:00 PM sa GMA-7, at may replay tuwing Sabado, 10:30 PM sa GTV.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page