Hindi si Raymart dahil baka mag-away lang daw… CLAUDINE AT MARK ANTHONY, TOGETHER AGAIN SA MOVIE
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 5, 2026

Photo: FB Circulated
Balik-tambalan ang former couple na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa micro drama series ng Viva Movie Box titled I Love You Ex (ILYE).
Ang reaksiyon ng mga fans, bagay kina Claudine at Mark ang title ng comeback project nila and for sure, pati story ay ibinagay talaga sa kanila.
Sa September 14 na ang simula ng streaming ng micro drama series sa direksiyon ni Christian Paolo Kat. Kasama sa cast sina Marco Gallo at Nathalie Hart.
May mga nagtanong kung bakit hindi si Raymart Santiago ang ipinareha kay Claudine?
Kapwa-fan din ang sumagot na hindi maayos ang relasyon nilang dalawa. Baka raw mag-away pa sa taping.
Samantala, ipinromote na ni Claudine ang guesting niya sa Rated Korina (RK), show ni Korina Sanchez, na muntik maging sister-in-law ng aktres. Hindi nga lang nagtagal ang relasyon nina Claudine at Milano Sanchez na brother ni Korina.
DENNIS, ALDEN, JAKE, ENRIQUE, SAM, MATTEO AT PIOLO SA ISANG MOVIE, INAABANGAN NA
NA-EXCITE ang mga fans nang makitang magkakasama sa larawan ang ilan sa mga top actors ng bansa. Naisip agad nila na paano raw kung gumawa ng pelikula na magkakasama sina Dennis Trillo, Alden Richards, Jake Cuenca, Enrique Gil, Sam Milby, Matteo Guidicelli at Piolo Pascual, at hindi lang sa larawan sila makikita.
Naisip na rin agad ng mga fans kung ano’ng project ang babagay sa pito at inunahan na nila na kikita ang pelikula o magiging number one sa ratings kung TV series ang kanilang gagawin.
Mga comments na, “Wow! The men indeed! This is rare and happy to see them together. More projects to come for those talented actors looking forward to collaborations to the SlingshotsStudios production. Why not?” at “I love this reunion.”
Kasama ng mga nabanggit na aktor sina Ranvel Rufino at Dr. Steve Mark Gan, owner ng GAOC (dental treatment center). Ang sabi, kaya madaling nagkasama-sama ang mga nabanggit ay dahil pare-pareho silang alaga ng GAOC.
Ang request nga ng mga fans, si Dr. Steve na lang ang magprodyus ng project ng mga nabanggit para lang matuloy.
Kahit nga raw walang leading ladies, tatayo ang proyekto. Bakit nga ba hindi sila pagsama-samahin?





Comments