top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hindi sapat na suweldo ng kapulisan, ‘di dahilan para abusuhin ang posisyon, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 27, 2020



Dalawang pulis-Kyusi ang na-demote dahil sa unlawful arrest at pagsalakay nang walang proper warrants.


‘Yan ang napakalaking tama!


◘◘◘


Kinumpirma mismo ni QC Mayor Joy Belmonte na napatunayang guilty sa grave misconduct ang mga pulis na sina Zaldy Mejos, Jr. at Julie Boison.


Iginawad ang hatol ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng District 1 ng Quezon City.


Ibig sabihin, ang mga naagrabiyado ng pulis ay puwedeng magreklamo sa PLEB ng bawat LGU!


◘◘◘


Inireklamo ang dalawang pulis ni Marissa Torres dahil sa ilegal na pagpasok ng mga ito sa kanyang bahay noong Enero 19, 2019.


Inakusahan ng mga pulis ang complainant na itinagong baril at epekto na nakumpiska umano sa kanyang tahanan.


Pero, itinanggi ni Torres sa PLEB na nagdesisyon nang makitang walang katotohanan ang alegasyon!


◘◘◘


Malinaw na protektado ang ordinaryong mamamayan laban sa pag-abuso ng kapulisan sa Kyusi.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit umangat bilang No.1 sa overall performance si Belmonte sa independent survey na isinagawa sa lahat ng mayor sa Metro Manila ngayong 2020!


◘◘◘


Isinagawa ang survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) gamit ang face to face interview sa 3,500 respondents.


Ayon kay Dr. Paul Martines ng RPMDinc: “Our previous survey, June 2020 NCR Mayor’s Performance Review in addressing and responding to covid19 situations pushed LGU to stepped in their game”.


◘◘◘


Sa gitna ng negatibong larawan sa ilang PNP scalawags, hindi dapat masira ang loob ng ordinaryong mamamayan na magsumbong sa mga awtoridad kapag umaabuso ang mga pulis.


Mahalaga ang ginagampanang papel ng PLEB upang mabilis na madisiplina ang mga pulis at mabilis na maaksiyunan ang masasamang ikinikilos ng mga ito!


◘◘◘


Walang ulat kung may record ng kaso sa PLEB ng Parañaque ang nakapatay na pulis sa mag-inang biktima sa Tarlac.


Kailangang imulat mismo ng LGU at PNP na puwedeng magreklamo ang mamamayan laban sa mga pulis sa PLEB na mayroon ang bawat local government units sa bansa!


◘◘◘


Ang pagkunsinte ng mga LGU executives sa mga abusadong pulis ang siyang nagpapalala ng sitwasyon.


Ilan sa mga ito ay ginagawa nilang bodyguard kapag ang mga ito ay off-duty kaya’t lumalakas ang loob.


Dapat magkaroon ng profile ang PNP ng listahan kung sino-sinong pulis ang umaaktong bodyguard at ilan sa mga ito ang mga “sideline” o anong klase ng “ikalawang income” ang mga ito!


◘◘◘


Dapat din nating maunawaan na hindi sapat ang suweldo ng mga pulis upang mabuhay sila nang desente o marangya.


Marami sa kanila ang hikahos at kumakapit sa patalim upang gamitin ang baril sa “mapagkakakitaang illegal na aktibidad”.


Maunawaan sana ito nang lahat — lalo na ng hayrarkiya ng Pambansang Pulisya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page