Hindi sa ABS-CBN at sa manager… SIGAW NG PADIR: LIZA, SA FANS LANG DAPAT TUMANAW NG UTANG NA LOOB
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 14, 2023

Marami ang na-turn-off sa tatay ni Liza Soberano na si Mr. John Castillo Soberano dahil imbes na pakalmahin ang anak sa pagsasalita ng kung anu-ano ay tila mas pinalalaki pa nito ang gusot.
Kaliwa’t kanan ang bashing sa ama ng aktres dahil tila isiniksik nito sa ulo ng anak na fans lang ang dapat nitong tanawan ng utang na loob.
Base sa kuwento ni ‘Nay Cristy Fermin sa Showbiz Now Na vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload nitong Linggo nang gabi ay sinabi ng ama ni Liza na ang mga fans ang dapat nitong pasalamatan.
“Umaani ng bashing kaliwa’t kanan ang ama po ni Liza Soberano na si John Castillo Soberano.
Kasi nga, mayroon po siyang sinabi na wala raw pong dapat tanawing utang na loob ang kanyang anak kahit kanino — para kay Ogie Diaz, sa ABS-CBN at sa mga direktor.
"Ang dapat lang daw pong tanawan ng utang na loob ni Liza ay ang kanyang mga fans. Ano'ng take mo ru’n?” tanong ni 'Nay Cristy kay Romel Chika.
"Naku, mali iyon! Hindi po mabubuo ang Liza Soberano kung fans lang po ang hahawak sa kanya.
Kailangan lahat po 'yan, may partisipasyon, manager, network, ehekutibo, lahat 'yan ay mabubuo ang pagkatao ng isang artista dahil sa mga 'yan,” opinyon ni Romel Chika.
Hirit ni ‘Nay Cristy, “Parang pagtatayo ng building, lahat po ng mga kamay na humawak sa mismong gusali, sila po ay bahagi ng kung anumang tagumpay na ginagawa natin.”
At dahil sa sinabi ng ama ni Liza ay binalikan siya ng mga netizens.
Sabi ni ‘Nay Cristy, “Eh, kaya naman pala walang utang na loob 'yang anak mo, mayroon naman palang pinagmanahan! Ang sakit nu’n! Dapat mo bang sabihin na walang dapat tanawin si Liza sa manager, sa ABS (CBN) at kung kani-kanino pa?”
Punto naman ni Wendell, kapag pinatayo si Liza sa gitna ng stage at kung walang taong nagrekomenda at tumulong, paano raw maaabot ng dalaga ang kasikatan?
“Kaya bakit walang dapat tanawan ng utang na loob?” nagtatakang tanong ni ‘Nay Cristy.
Dagdag pa, “Lahat ng success ng kanyang anak, dapat tanawin iyon. Alalahanin (at) pasalamatan.”
Sabi rin ni Romel Chika, dapat ang ama ni Liza ang gumawa ng paraan para pakalmahin ang anak at hindi ginatungan para magsalita ng kung anu-ano na lalo nitong ikinagulo.
Anyway, wala na sa bansa si Liza dahil pagkatapos ng panayam sa kanya ni Kuya Boy ay lumipad na siya patungong Amerika kaya siguro matatapos na ang usaping ito dahil hindi na raw siya magsasalita pa.
Bukas naman ang BULGAR sa panig ni G. John Castillo Soberano tungkol sa sinabi niyang fans lang ang dapat tanawan ng utang na loob ng anak.
Tiyak na lalong darami ang tagapakinig ng Radyo5 sa pagbabagong-tunog nito ngayon bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM.
Base sa ginanap na launching nito sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng kanilang mga news, information at entertainment programs.
May bagong logo na, may bagong tagline pa na “Dito Tayo sa Totoo!”, talagang handa nang maghatid ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ng fresh at dynamic na pakikinig para sa lahat ng kanilang mga listeners.
Nakalagay sa kanilang logo ang salitang TRUE, kung saan ang bawat letra nito ay sumisimbolo sa kanilang mga prinsipyo sa pagbabalita at paglilingkod sa publiko.
Ang T ay para sa "Truth in Journalism" na hatid ng kanilang radio programs na Bangon Bayan with Mon ni Mon Gualvez, Ted Failon & DJ Chacha, Frontline Pilipinas, at ang flagship news program para sa local at provincial news na Radyo5: Balita Pilipinas.
Ang R ay sumisimbolo sa "Real people" at "Real stories" na mapapakinggan sa mga programang tulad ng Sana Lourd ni Lourd De Veyra, Power and Play ni Noli Eala, Pinoy Konek ni Danton Remoto, at Dr. Love ni Bro. Jun Banaag.
Ang U ay sumisimbolo sa “Unwavering commitment” sa serbisyong publiko, na hatid ng mga programang tulad ng Wanted sa Radyo ni Sen. Raffy Tulfo, Sagot Kita ni Cheryl Cosim, at Healing Galing ni Dr. Edinell Calvario.
Ang E naman ay sumisimbolo sa kanilang nakaka-entertain na programa tulad ng Cristy Ferminute ni Cristy Fermin at Good Vibes nina Stanley Chi at Laila Chikadora.
Ang 92.3 Radyo5 TRUE FM ay mapapakinggan na on-air at live nationwide, tumutok araw-araw upang marinig ang totoong tunog ng serbisyo-publiko at maging parte ng bagong yugto ng radyo sa Pilipinas.





Comments