top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi pa tapos ang pandemya, may bagyo at lindol na, wa’ tigil ang kalamidad!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 25, 2021



Nakaramdam ng Magnitude 6.7 earthquake ang Batangas at Magnitude 4 naman ang Metro Manila.


Hindi talaga titigil ang kalamidad!


◘◘◘


KUNG naging epicenter ang Metro Manila ng lindol kahapon ng madaling araw, maraming bahay ang mawawasak.


Dapat paghandaan ang ‘the Big One’!


◘◘◘


PAANO paghandaan ang malakas na lindol, ereng paulit-ulit na baha ay hindi masolusyunan?


Mahihina kasi ang kukote at korup ang nasa pamahalaan!


◘◘◘


DAPAT sisihin talaga ay mga botante.


Puro “patapon” ang ibinoboto imbes na pang-derby!


◘◘◘


ISANG Haring Solomon ang kailangan ng Pilipinas.


Pero, hindi ‘yung 1,000 ang asawa!


◘◘◘


UNTI-UNTI nang nagkakahalataan, tumatalon na sa lumulubog na barko ang mga kapit-tuko kay P-Digong.


Asahan ‘yan matapos ang huling SONA.


Mararadaman na kung ano ang kahulugan ng “lameduck president”!


◘◘◘


DIRETSO ang pagbagsak ng ekonomiya.


Kitang-kita ito sa naluluging stock exchange!


◘◘◘


MAGING ang foreign currency trading ay binababoy.


Isang senyales na babagsak si P-Digong ay kapag sinabotahe na ang ekonomiya!


◘◘◘


MALAKI ang pressure at madadamay ang ordinaryong mamamayan kapag nagpumilit si Mayor Sara.


Inaasahang kakampi rin siya sa China!


◘◘◘


KAPAG idinepensa ni Mayor Sara ang China tulad sa ginawa ng kanyang ama, ang mga ‘Kano ang makakalaban niya.


Ibig sabihin, para manalo si Inday Sara, magkunwari siyang kapanalig ng US!


◘◘◘


MALINAW kung gayun na mababago ang postura at plataporma ni Mayor Sara.


Ang ikapapanalo niya ay hindi nakabatay sa resulta ng survey, bagkus ay nakabatay kung papabor o kokontrahin niya ang US!


◘◘◘


HINDI makapapayag ang US na pro-China ang muling makakasingit sa Malacañang.


Malaking malaking gulo ‘yan!


◘◘◘


ANG resulta ng eleksiyon sa 2022 ay hindi komporme sa “COVID situation”.


Ito ay komporme sa US intervention!


◘◘◘


NAKASINGIT lang si P-Digong, kasi’y nagmula siya sa malayo.


Ang manok ng ‘Kano ay nasilat, pero maaaring makaresbak next year!


◘◘◘


HINDI isyu kung maka-‘Kano o maka-China ang mauupo sa Malacañang.


Hindi naman talaga ang maiiwasan ‘yan!


◘◘◘


MAS delikado ay maupo sa Malacañang ay patriotiko o maka-Pilipinas.


Kapag patriotiko, kung hindi siya matigok sa COVID at babagsak ang eroplano na kanyang sasakyan!


◘◘◘


HINDI papayag ang US at China na maupo sa Malacañang ay maka-Pilipinas.

Bakit?


Sapagkat, pareho silang makatitikim ng bigwas!


◘◘◘


MAHIRAP magwagi ang patriotiko.


Bakit?


Sapagkat mas marami ay traydor sa bayan, nagpapagamit sa mga dayuhan!


◘◘◘


MAUUPO lamang sa Malacañang ang makabayan kung siya ay matalino, masinop, may inobasyon at moderno.


Mahalagang hindi mahalata ng ‘Kano at Tsekwa na siya ay tunay na nagmamahal sa Inang Bayan.


Isang paham lamang ang makagagawa nito!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page