top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hindi pa nakaka-recover, may krisis na naman!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2022
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 04, 2022



GUMAGRABE na naman ang COVID-19.


Tatabo na naman ng limpak limpak ang mga buwitre!


◘◘◘


HINDI pa nakaka-recover, ere na naman ang krisis.


Wala nang ayuda!


◘◘◘


SA pagpasok ng Omicron, paano pa ang mga biktima ni “Odette”?


Wala nang susulingan pa!


◘◘◘


NALUGI na naman ang public transport.


Kaawa-awang Pinoy!


◘◘◘


EPEKTIBO ang booster kontra Omicron.


Pero, delikado ang mga walang bakuna!


◘◘◘


INIRAOS lang ang Kapaskuhan, ‘eto na naman ang COVID-19.


Doble-kalbaryo sa 2-0-22!


◘◘◘

WALA nang nakikitang solusyon dito.


Paano na ngayon ang buhay?

◘◘◘


MAGING ang malalaking bansa ay hindi nakaligtas sa Omicron.


Paano kung masundan pa ito ng patung-patong na mutation?


◘◘◘


AYAW pang mag-house-to-house upang mapuwersang bakunahan ang lahat ng mamamayan.


Pero, ang second dose ay hindi sapat na depensa.


Kailangan pa rin ang booster shot!

◘◘◘


HEALTH pa rin ang No. 1 prayoridad.


Pero, sa campaign ads, puro trabaho ang target ng propaganda.


Paano makakapagtrabaho kung nakaratay sa banig ng karamdaman?


◘◘◘


DAPAT nang ilibre ang vitamins, maintainance, flu vaccine at anti-pneumo vaccines.


Iyan ng dapat pondohan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page