top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi pa nagsisimula ang tunay na kampanya…‘Wag pakampante si Marcos na palaging nangunguna sa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2021
  • 2 min read

survey


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 23, 2021


MARCOS, ‘WAG MAG-PETIKS PORKE PALAGING TOP SA SURVEY—Kung may katotohanan ang resulta ng mga survey firms, hindi dapat magpakumpiyansa si former Sen. Bongbong Marcos na palaging top sa mga presidential candidates.


Kung pakasusuriing mabuti kasi ay palaging nakabuntot sa kanya si Vice-Pres. Leni Robredo, na mula sa dating pang-anim at pangatlo ay pangalawa na ito ngayon, period!


◘◘◘


BAKA MATULAD NOONG 2016 ELECTION ANG KAPALARAN NI MARCOS, AKALA NIYA PANALO NA, PERO NATALO PA—Kung hindi babaguhin ni Marcos ang taktika ng kanyang campaign, maaaring hanggang bago sumapit ang takdang halalan ay nasa rank no. 1 siya, pero kung magpapa-bandying-bandying siya ay baka maulit ang nangyari noong 2016 VP race.


‘Yung tipong ang lakas ng kanyang arrived sa VP race, pero pagsapit ng halalan at bilangan ng boto ay tinalo pa rin siya ni VP Leni, boom!

◘◘◘


PACMAN AT PING, NAUNGUSAN NI BONG GO—Sa ngayon ay hindi pa puwedeng masabi na sina Marcos at VP Leni ang mahigpit na maglalaban sa presidential race kasi kapuna-puna na mula nang mag-file ng COC for president si Sen. Bong Go ay ang taas din ng itinalon ng rank nito sa survey.


Kaya hindi talaga nila puwedeng dedmahin ang kandidatura ni Bong Go kasi sa VP race noon, palitan sila ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto sa rank no. 1, at bukod d’yan, siya pa ang manok ni P-Duterte na hanggang ngayon ay marami pa ring tagasuporta, plus ‘yung mga natulungan pa ng programa niyang Malasakit Center na free hospitalization sa mga poor, period!


◘◘◘


KANDIDATURA NINA ISKO, PACMAN AT PING, ‘WAG DEDMAHIN KASI BAKA ISA SA KANILA ANG TINATAWAG NA “DARK HORSE” SA ELEKSIYON—Hindi rin puwedeng dedmahin lang ang kandidatura nina Yorme, Pacman at Ping kasi marami rin ang nagpapakita ng suporta sa kanila.


Maraming natuwa kay Isko sa magaganda niyang nagawa habang mayor sa Maynila; si Pacquiao naman na mula sa hirap noon ay nagpapamigay na ng pera ngayon sa mahihirap at si Lacson ay marami rin ang tagasuporta na kilala bilang anti-pork barrel at disiplinadong tao.


‘Ika nga, ano’ng malay natin, na baka isa pala kina Isko, Pacman at Ping ang tinatawag na “dark horse” sa eleksiyon, ‘yung sa pagsimula ng karera ay bigla na lang nanguna, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page