Hindi nagawa kay Emman… KIM, TODO-TULONG SA MGA DEPRESSED AT MAY PROBLEMA SA MENTAL HEALTH
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 16, 2026

Photo: Kuya Kim at Emman Atienza - Instagram
Dahil sa pagpanaw ng kanyang anak na si Emman, nagkaroon ng awareness si Kim Atienza sa kahalagahan ng mental health ng isang tao. Ngayon, naging misyon na niya na tulungan ang mga dumaranas ng depression at anxiety.
Handa siyang magbigay ng payo at suporta sa sinumang may problema sa depression.
Naikuwento ni Kuya Kim na labis niyang ikinabigla ang nangyari sa kanyang anak na si Emman. Masayahin kasi ito at walang senyales na dumaranas ng depression at anxiety, at inilihim pa nito ang kanyang pinagdaraanan.
Kaya ngayon, magsisilbing misyon ni Kim Atienza na tulungan ang mga taong dumaranas ng depression. Handog niya ito para sa kanyang yumaong anak na si Emman Atienza.
Habang wala si Vice… POKWANG AT BILLY, PASOK SA IT'S SHOWTIME
DAHIL sa pansamantalang pagbabakasyon ni Vice Ganda, may bali-balitang papasok sa It’s Showtime (IS) sina Pokwang at Billy Crawford upang magdagdag ng saya sa show.
Bagama’t wala pang kumpirmasyon, ikinatuwa naman ng mga viewers kung totoo ang balitang ito.
Pero ano naman kaya ang magiging reaksiyon dito ni Vice Ganda? Pabor kaya siya sa pagpasok ni Billy Crawford sa IS, gayung may dati silang tampuhan?
Kahit naka-leave si Vice Ganda, maayos namang ginagawa ng ibang hosts ang kani-kanilang trabaho. Full energy ang ibinibigay nina Ogie Alcasid, Amy Perez, Anne Curtis, Kim Chiu, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario at Darren Espanto kaya nairaraos nila ang show.
Naiintindihan naman nila si Vice Ganda. Napapagod din ito sa show, physically at mentally, kaya deserve niyang magbakasyon at magpahinga.
NGAYONG April 16 ang first death anniversary ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor. Magbibigay ng tribute sa kanya ang libu-libong diehard Noranians. Marami ang dadalaw sa puntod ni Guy sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).
Ayon na rin sa anak ni Nora na si Ian de Leon, magkakaroon ng whole-day activities para kay LA Aunor sa LNMB.
Magkakaroon ng misa ng 9 AM at open sa lahat ng mga fans ni Aunor ang pagdalaw sa kanyang puntod. Inaasahan din ang pagdalo ng malalapit na kaibigang artista at direktor ni Aunor. Aabangan din ang pagkikita-kita ng magkakapatid na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth sa puntod ng kanilang ina. Ito ay sa kabila ng isyu sa kanilang pagitan dahil sa naiwang pamana ni Nora Aunor. Matatahimik kaya ang kaluluwa ng Superstar ngayong nagkakagulo ang kanyang mga anak?
Nasaan na si John Rendez? Dadalo kaya siya sa puntod ng Superstar?




Comments