Hindi nag-wedding gown… DENNIS AT JENNYLYN, SA GARDEN NI KATHRYN NAGPAKASAL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 17, 2021

Pinauso nina Angel Locsin at Neil Arce ang simple at biglaang pagpapakasal, kaya ganito rin ang ginawa ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Matapos lang mag-propose ni Dennis at pag-amin ni Jen na buntis na siya, ilang linggo lang ay ginanap na nga ang kanilang civil wedding sa garden ng bahay nina Kathryn Bernardo.
Naka-pantsuit na puti si Jennylyn, may maliit na belo at may bridal bouquet din. Kitang-kita sa aura nina Jen at Dennis ang labis na kaligayahan dahil legal na silang mag-asawa.
Hindi man engrandeng kasal, naging katuparan naman 'yun sa gusto ni Jen na makasal sila ni Dennis bago niya isilang ang kanilang magiging anak.





Comments