"Hindi na rin ako makapaghintay na makasagupa si Mangat”— GEJE
ni MC - @Sports | June 16, 2022

Naabot na ni dating ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio ang pinakamataas na antas at mababang bahagi ng pagsabak sa ONE Championship. At hindi na siya natatakot kahit sino pa ang humamon.
Agad na sumigaw ng paghamon si Gurdarshan Mangat, na nagwagi kamakailan kay Thai striker Yodkaikaew Fairtex sa nakaraang ONE 158 sa Pinoy former flyweight king.
Sinamantala ni Mangat sa in-ring interview ni commentator Mitch Chilson at ang kanyang post-fight press conference para manawagan ng paghamon kay Eustaquio. At iyan ay agad nang tinugon ng Team Lakay at nakangiti niyang tanggap ang challenge.
“Yes! I can’t wait to share the Circle with him. Thanks for calling me out Gary. I will stand my ground and bring you a good fight, let us settle this out,” saad ni Eustaquio.
Hawak ni Pinoy “Gravity” ang rekord na 3-1 sa nakaraang apat na bakbakan. Ang huli niyang laban ay isang dominanteng unanimous decision win kontra South Korea’s Song Min Jong sa ONE: Inside the Matrix III noong November 2020.
Gayunman, hindi nagkaroon ng laban ang dating World Champion nang tamaan ito ng COVID-19 kaya nagpagaling at nagpahinga muna sa loob ng buong taon. Ngayon ay malakas na malakas na muli ang katawan at malusog, walang problema makaharap man si Mangat ngayon.
Sa kabilang banda, dahan-dahan naman ang pag-angat ng career ni Mangat sa ONE Championship flyweight division. Hawak ni “Saint Lion” ang markang 4-1 mula saunang limang laban sa organisasyon at iba pang malalaking panalo para mailagay siya sa top 5 ng kanyang weight class. Magsisilbi niyang tiket si Eustaquio para mapabilang sa flyweight elite.





Comments