top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hindi maaaring mag-isyu ng Precautionary Hold Departure Order sa mababang uri ng kaso

BULGAR
Jun 27, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 27, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay napaaway sa aking kapitbahay. Dahil sa sigalot na ito, ako ay nagtamo ng mga pinsala o injuries dahil nagkasakitan na rin kami. Kasalukuyan nang nasa barangay ang aking reklamo na slight physical injury, ngunit aking napag-alamang papaalis diumano sa ibang bansa ang aking nakaaway. Maaari ba na maisyuhan ng hold departure order ang aking nakaaway kaugnay sa kanyang kasong pananakit? - Dina


Dear Dina,


Ang sagot sa inyong katanungan ay hindi po. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 1 ng A.M. No. 18-07-05-SC o mas kilala sa tawag na “Rule on Precautionary Hold Departure Order”, na ang Precautionary Hold Departure Order daw ay iniisyu lamang ng korte sa mga kaso na ang pinaghihinalaang may akda ng krimen ay may kaso na ang kaparusahan ay higit sa anim na taon at isang araw (6 years and 1 day) o sa mga sitwasyon, kung saan banyaga o foreigner ang pinaghihinalaan, viz:


“Section 1. Precautionary Hold Departure Order. - is an order in writing issued by a court commanding the Bureau of Immigration to prevent any attempt by a person suspected of a crime to depart from the Philippines, which shall be issued ex-parte in cases involving crimes where the minimum of the penalty prescribed by law is at least six (6) years and one (1) day or when the offender is a foreigner regardless of the imposable penalty.” (Binigyang-diin)


Gamit ang nabanggit, kung ang inyong nakaaway na kapitbahay ay hindi naman banyaga at kapwa n’yo rin Pilipino, malinaw na hindi maaaring mag-isyu ng Precautionary Hold Departure Order ang korte sapagkat ang kaso na slight physical injury ay masasabing mababang uri ng krimen na ang kaparusahan ay hindi hihigit sa anim na taon at isang araw.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page