Hindi lang 'yung "cheater" CARLA, NI-LIKE ANG TANONG KUNG BADING SI TOM
- BULGAR
- Feb 27, 2022
- 3 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 27, 2022

Kung si Carla Abellana ay hindi na isinusuot ang kanyang wedding ring, ang estranged (?) hubby naman niyang si Tom Rodriguez ay nananatiling suot ang kanilang singsing.
May espekulasyon ang mga netizens kung bakit suot pa rin ito ni Tom. Anila, para raw hindi masising siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ni Carla.
"Sad boy. Now I understand Carla."
"Ganyan talaga 'pag ikaw ang may kasalanan."
Ang haba naman ng komento ng isang netizen na concerned sa nararamdaman ng actor.
"So based from their socmed actions, Tom wants to save his marriage. This is a major fight.
'Yung first breaking news na nag-unfollow-an ang mag-asawa, sabi ni Carla, she (and her family) was removed as followers intentionally by Tom.
"Tom said he was blocked by Carla. Reason ng away? Medyo vague. They said he cheated on her, but based sa acts ni Tom, I would say it's a rumor since after marriage, nag-locked-in taping si Tom and it probably didn't sit well with Carla. But then a contract is a contract knowing Tom is professional. So for Carla, he took her for granted.
"If this is 3rd party, I'm sure FP will give us a blind item about it but so far, none. I wouldn't be surprised if Carla is pregnant and napagdidiskitahan si Tom sa mood swings niya. I have faith magkakabalikan sila. Plus 'di pinapatulan ni Tom ang galit ni misis kaya mas naiinis 'yung isa kaya ayun, liking nega comments spree. Sana, magbati."
May sumagot, "After wedding, wala na pong locked-in taping si Tom. The movie with Meg Imperial ay natapos na i-film April, 2021 pa lang, bago pa siya nag-The World Between Us.
After wedding, wala na silang locked-in parehas. At nag-leave na sila parehas daw at nagpaalam sa mga boss ng GMA."
"And the award for the papansin couple goes to TomCar! "
"Sabi nga ni Ateng Carla, be mindful of distractions and deceptions. Obviously, painosente lang 'to si Tom with his posts ng wedding ring and "I love yous". Baka sobrang laki ng kasalanan niya to think na early stage ng marriage nila is galit si Carla and family sa kanya."
"I don't get the hate towards Carla. Obviously, hindi mababaw ang reason ng paghihiwalay nila.
What I don't like is Tom seems like playing it cool by posting na okay lang sila, 'yung ganyan na suot wedding ring etc. while si Carla goes to extend of photoshopping her ring. Sana 'wag mag-side ang tao porke't sa paningin nila, dominant si Carla. Kahit ganu'n siya, 'di pa rin niya deserve kung niloko siya."
"I think the wife is used to "sinusuyo" 'pag nagkakagalit sila. Based sa videos nila sa YouTube, you can really tell na mas ma-pride siya sa husband niya. Baka nag-stop muna si husband sa panunuyo kaya ayan, nagpapapansin. Sa totoo lang, siya lang sumisira sa sarili niya. She should stop and protect her mental health. Seek therapy kasi social media has triggers and stalking her husband won't help her. Just my two cents."
Ayon naman sa ibang netizens, nauumay na sila sa kadramahan ng mag-asawa. Kung maghihiwalay, gawin na raw nila, hindi 'yung marami pang mga paandar sa social media.
Samantala, kung nu'ng una ay ni-like ni Carla ang komento ng netizen na "cheater" patungkol umano kay Tom, ngayon, ni-like rin ng aktres ang tanong na “True ba, gay daw siya?”
Ano kaya ang ibig sabihin ni Carla sa mga pa-like-like ng negative comments tungkol sa kanyang mister?








Comments