top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hindi lang sina Charo at Coco na mga Kapamilya...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2021
2 min read

WILLIE, SHOCKED NA BINATI NI PANGULONG DIGONG SA BERTDEY NIYA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 29, 2021




Nasorpresa si Willie Revillame nang makatanggap ng birthday greetings mula kay Pangulong Rodrigo Duterte nu'ng Miyerkules, January 27.


Sa Wowowin show ng birthday boy ay isa-isang ipinakita ang mga prominenteng personalidad na bumati kay Kuya Wil.


Nangunguna rito si PRRD na ang mensahe kay Willie ay: "Happy birthday, Willie Revillame. Sana, magpatuloy lang ang pagtulong mo sa kababayan natin na hindi pinalad sa buhay. May the Almighty God bless your good heart. Happy birthday at mabuhay ka.”


Ang GMA chairman at CEO na si Atty. Felipe Gozon ay hindi rin nakalimot na magbigay ng mensahe kay Kuya Wil.


Aniya, “Hi, Willie! Happy, happy birthday. Our partnership is going stronger. We wish you more birthdays to come and more success. God bless you.”


Ang mga kaibigan ni Kuya Wil na nasa Kapamilya Network ay hindi rin nakalimot na bumati sa kanyang kaarawan. Nangunguna na rito si Miss Charo Santos-Concio na nagpahatid ng video birthday greetings sa TV host.


Sabi ng former ABS-CBN president, “60 is a good place to be in, believe me. You’re young enough na magagawa mo pa ang magagawa ng isang 40 years old and you’re old enough not to repeat lahat ng mga kalokohan at mga kapilyuhan mo nu'ng bata ka pa.”


Nagpaabot din ng pasasalamat si Ma'm Charo sa pamamalagi ng kanilang friendship at hindi paglimot sa kanya ni Willie despite what happened years ago sa pagitan ng TV host at ng ABS-CBN.


Ang iba pang showbiz personalities na kaibigan ni Kuya Wil na bumati sa kanya ay sina Coco Martin, Richard Gomez, Aga Muhlach, Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Randy Santiago at John Estrada.


Pinasalamatan ni Kuya Wil sa kanyang programa ang lahat ng mga nag-greet sa kanyang kaarawan. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanyang programa saanmang istasyon siya mapunta.


“Salamat po sa tiwala at tinatanggap n'yo ako. Marami pong salamat at lagi n'yo po akong sinusuportahan, kami rito sa programang Wowowin.”


Hindi niya napigilang maluha habang nagpapasalamat dahil nami-miss daw niya ang live audience.


"Nami-miss ko kayo, nami-miss ko 'yung mga sigaw n'yo, nami-miss ko 'yung mga ngiti n'yo. Sana, matapos na itong problema natin para maibalik na natin 'yung dati," sabi ni Kuya Wil.


Kahit may araw kasi na nagla-live ang Wowowin sa GMA-7 ay 'di pa rin pinapayagan ang studio audience sa mga variety shows sa gitna ng COVID-19 pandemic dahil sa peligro ng hawahan.


Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Kuya Wil sa Panginoon.


"Lord, thank you so much, ginawa n'yo akong tulay sa mga taong malulungkot at may pangangailangan. Sixty years old na po ako, sana, another 60 years para magbigay pa ako ng saya at tulong," hiling ng TV host.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page