Hindi lang si Jeffrey ang nanligaw… GENEVA, BINASTED ANG LAHAT NG MEMBERS NG SMOKEY MOUNTAIN
- BULGAR

- May 4, 2025
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 4, 2025
Photo: Geneva Cruz via Bulgar
Super-excited si Geneva Cruz sa kanyang 35th anniversary concert na Gen Evolution (GE) happening on May 30, 8:00 PM at the Music Museum.
Pahayag niya, “Technically, ito ‘yung anniversary ng Smokey Mountain (her former group), 35 years in the business,” paliwanag ni Geneva sa ginanap na presscon last Friday para sa nasabing concert. Sey niya, “We were launched by The Maestro, our national artist for Music, Ryan Cayabyab nu’ng 1990 pero 1989, kami po ay nag-training under him.”
Pero hindi nga raw nag-push through ang reunion concert ng dati niyang grupo kaya nagdesisyon siyang ituloy pa rin ito by having her solo concert.
“I decided by talking to my manager, Arnold Vegafria na it’s time to celebrate pa rin kahit wala ‘yung Smokey Mountain,” aniya.
Pero kahit wala ang ibang miyembro ay kasama pa rin niya sa GE ang isa sa mga members ng Smokey Mountain na si Jeffrey Hidalgo bilang direktor ng concert.
Ano nga ba ang mga bagong ipapakita ni Geneva sa kanyang fans sa kanyang 35th anniversary concert?
“Dahil mas athletic na ako ngayon, just like Jeff na gumawa rin ng triathlon before, nag-triathlon na rin ako,” paliwanag niya.
“I-incorporate ko ‘yung mga ginagawa ko sa training at sa labas, du’n sa stage para makita n’yo ang pinaggagagawa ko,” dagdag niya.
She’ll also be performing original songs na mga ginawa niya and other composers as well.
Sey naman ni Jeff, “I just wanna say that this concert is really her brainchild. Kumbaga, I’m here to implement her vision of her 35th anniversary concert. And perfect nga talaga ‘yung Gen Evolution because we really wanna show you her evolution as an artist, as a person.”
Dagdag pa niya ay marami raw silang surprises for the audience sa nasabing concert.
“May mga ideas kami to surprise the audience kung paano mai-inject ‘yung athleticism ni Geneva sa show,” aniya.
“It’s gonna be very high energy all throughout. I think she’s ready. She’s been training very hard for it,” dagdag pa ni Jeffrey.
Samantala, sa nasabing presscon ay nagkaaminan na nanligaw pala dati si Jeff kay Geneva.
“Binasted n’ya ako. Lahat kami nanligaw, lahat kami binasted. Pero ako ‘yung last,” kuwento ni Jeff.
Ang tinutukoy niyang iba pang nanligaw ay ang iba pang male members ng Smokey Mountain na sina Tony Lambino and James Coronel.
Geneva was the only female member sa nasabing grupo.
Anyway, sey ni Geneva, parang kapatid at best friend daw niya si Jeff kaya hindi sila nag-end-up as lovers. Napanatili naman nila ang pagiging magkaibigan hanggang ngayon at magkumpare pa sila dahil ninong ito ng kanyang anak.
Anyway, aminado rin si Geneva na happy siya sa kanyang love life ngayon with her national athlete and gold medalist boyfriend, Dean Roxas.
Samantala, GE is a production of ALV Talent Circuit with Nikko Rivera as musical director.
HUMANDA nang kiligin at ma-feel good this Sunday sa Regal Studio Presents: Rider with the Ghoster.
Muling magtatambal sa episode sina Jon Lucas bilang isang rider at Arra San Agustin, ang kanyang ghoster.
Ang na-ghost na rider, puwede ba ulit maging sweet lover kay ex?






Comments