top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi lang si Daniel… VILMA, GUSTO RING MAPASAMA SA SERYE NI COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 13, 2023



Biglang na-excite ang mga fans nina Coco Martin at Daniel Padilla sa napabalitang pagsasama nila sa hit action serye ng ABS-CBN, ang FPJ’s Batang Quiapo.


Nahuli kasi ng TV Patrol entertainment reporter na si MJ Felipe na bumulong si Coco kay Daniel sa possibility na magkatrabaho sila sa Batang Quiapo habang magkayakap pagkatapos magbatian sa awarding ng Celebrity Top Taxpayers event kamakailan.


Nu’ng kunan ng pahayag ni MJ si Coco, mabilis na umiwas ang aktor sa TV reporter.


Sigaw ni Coco kay MJ nang pabiro, “Hindi, wala!”


Kaya nu’ng si Daniel ang nakorner ni MJ, hindi na siya nakaiwas habang natatawa ang kanyang real-and-reel love team na si Kathryn Bernardo. Narinig daw ni MJ na binulungan ni Daniel si Coco ng mga katagang “Kung kailangan mo ako.”



“Eh, wala pa…wala pa,” ngiti ni Daniel. “Ang usapan namin, kung kailangan namin ang isa’t isa. Hehe.”


Pero inamin ni Daniel na “game” siya na makasama sa Batang Quiapo ni Coco.


“Oo namam. Why not? Basta maganda ang ano, wala namang problema doon. Coco is a good guy. So, you know, magkaibigan naman kami at hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkatrabaho. So, ‘pag may magandang mga letrang (istorya) ibibigay sa amin, tsk, why not?” pahayag ni Daniel.


Hindi naman kataka-taka kung naisin ni Daniel na mapasama sa Batang Quiapo. Lahi ng mga action stars ang kinabibilangan ni Daniel magmula sa kanyang ama na si Rommel Padilla at tiyuhing si Robin Padilla.


At hindi lang naman si Daniel ang artistang nais na makapasok sa Batang Quiapo.


Kabilang na rin d’yan, no less, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.


Say ni Coco, “Siyempre, lahat naman kami, excited na makatrabaho siya (Vilma).


Napakalaking karangalan sa amin ang makatrabaho siya. Sana! Sana balang-araw, makatrabaho ko siya.”


Ang bongga kaya nu’n kapag umapir sina Ate Vi at Daniel sa Batang Quiapo, sabay o separately man. Swak na swak kung lalabas man sa kauna-unahang teleserye si Ate Vi, dapat sa pinapanood ‘di lang ng buong bayan kundi ng buong mundo.


Pramis naman ni Coco sa mga televiewers ng Batang Quiapo, lalo pa nilang pagagandahin ang kanyang action serye gabi-gabi na napapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC at TFC.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page