top of page
Search
  • BULGAR

Hindi lang sa pamilya… CRISTINE, INILALAPIT NI MARCO KAY LORD

ni Nitz Miralles @Bida | August 8, 2023



Inaabangan ng mga fans nina Marco Gumabao at Cristine Reyes ang post nila every Sunday o kaya Monday dahil sa mga araw na ito, ipino-post nila ang kanilang Sunday habit. Hindi nawawala sa kanila na simulan ang Sunday nila by attending church services, sinusundan ng lunch with Marco’s family at saka lalakad silang dalawa.


Wish ng mga fans na hindi mabago ang Sunday habit nina Marco at Cristine at ‘yung laging inuuna si Lord dahil magandang pundasyon din ito sa kanilang relasyon.


Nagustuhan din ng mga netizens na inilalapit ni Marco ang girlfriend sa kanyang family at tiyak na ganu’n din ang ginagawa ni Cristine.


Naalala nga namin, sa mediacon ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan, present ang mom ni Cristine at sister niyang si Ara Mina at may mga litrato pang kasama ng celebrity couple ang huli.


Last Sunday, kasama ang mga kaibigan, nag-unwind ang dalawa sa isang scenic place at nilagyan pa nga ito ni Marco ng sweet caption na tinawag naman ni Cristine na adventure.


Sagot ni Marco sa comment ni Cristine, “@cristinereyes love youuuu” na sinagot naman ng huli ng, “@gumabaomarco love you.”


Ayun, kinilig na ang mga netizens at fans nila.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page