Hindi lang militar ng 'Pinas ang love ni P-Duterte, pati militar ng Myanmar?!
- BULGAR

- Feb 15, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 15, 2021
IPINAKITA NI P-DUTERTE SA MUNDO NA LOVE RIN NIYA ANG MILITARY NG MYANMAR—Nakiisa ang Pilipinas sa mga bansang China, Russia, Venezuela at Bolivia sa pangdededma sa resolusyon ng United Nations (UN) na humihiling kay Myanmar coup leader, military Gen. Min Aung Hlaing na palayain ang ikinulong na si Myanmar Leader Aung San Suu Kyi at iba pang civilian officials ng bansang ito.
Ang katuwiran ng Philippine gov't. ay ayaw nilang makialam sa panloob na usapin at soberanya ng Myanmar.
Sa naging desisyong ito ng Pilipinas na dedmahin ang pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi ay parang ipinakita na rin ng Duterte gov't. na hindi lang militar sa 'Pinas ang love ni P-Duterte, kundi pati militar sa Myanmar, boom!
◘◘◘
KUNG ANO ANG GUSTO NG CHINA, GUSTO NA RIN NG PILIPINAS—Noong Sept. 2019, nakiisa rin ang Pilipinas sa hindi pagsang-ayon ng China sa panawagan ng UN na kondenahin ang paglabag sa karapatang-pantao ng Myanmar gov't. sa mga Rohingya Muslim at nuong Nov. 8, 2020, ibinoto naman ng Pilipinas ang kandidato ng China sa posisyong International Court of Justice ng UN, at ngayon nga, porke isa ang China sa mga bansang dumedma sa hirit ng UN na palayain si Aung San Suu Kyi, nakidedma na rin ang Pilipinas.
Ibang klase talaga ang Philippine gov't. ngayon kasi kung ano ang gusto ng China sa UN, 'yun na rin gusto ng Pilipinas, buwisit!
◘◘◘
PARANG INAMIN NG MGA DDS NA BAGSAK ANG PILIPINAS SA DUTERTE GOV'T. KAYA NAIS IPABANGON KAY MAYOR SARA—"Sama tayo sa pagbangon. Run, Sara, Run."
' Yan ang nakasaad sa naglalakihang tarpaulin na ikinakalat ngayon ng mga DDS sa iba't ibang panig ng bansa bilang panawagan kay presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidatong presidente sa 2022.
Sama-sama raw sa pagbangon, eh, parang inamin na rin ng mga DDS na bagsak ang Pilipinas sa termino ng erpat ni Mayor Sara, boom!
◘◘◘
SA 'PINAS, HINAYAAN MUNANG ITUROK SA TAO ANG BAKUNA BAGO I-APRUB—Inaprub na ng FDA (Foods and Drugs Administration) ang inismagel na bakunang Sinopharm na ipinangturok sa mga Presidential Security Group) noong Sept. 2020.
Only in the Philippines lang 'yan, na hinahayaan munang iturok sa tao ang bakuna bago aprubahan ng FDA, buwisit!





Comments