Hindi lang ikaw, Kim… XIAN, KUMANTANG MAY 2 BABAE PANG KA-DATE SA V-DAY
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 11, 2022

Hindi naman itinanggi ni Xian Lim na may takot siyang naramdaman nang gawin nila ang pelikulang Bahay na Pula dahil may mga creepiness siyang naramdaman at hirap siyang makatulog sa entire shoot sa Pola, Oriental Mindoro mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza for Viva Films.
Biro nga sa aktor sa Zoom mediacon ng Bahay na Pula ay baka pinaglaruan siya ng mga ligaw na kaluluwa sa set dahil ganito rin ang naramdaman ni Julia Barretto na kasama rin sa pelikula na pagpasok daw sa loob ng bahay ay nag-goose bumps na siya at iba ang pakiramdam talaga.
Ayon kay Xian ay mahilig siyang magkukuha talaga ng larawan at ugali na niyang idinodokumento ang mga ginagawa niya.
“I remember, dala ko 'yung camera ko, nag-video-video ako, tapos ‘yung files ko, pagbalik sa hotel, nabura. Nabura lahat kasi parang hina-house tour ko 'yung bahay.
“So, sabi ko, ‘Direk (Brillante), ano kaya ang ibig sabihin nito?’ Baka ayaw lang talaga magpa-video,” kuwento pa ni Xian.
Ano naman ang experience ni Xian sa pakikipagtrabaho kay Direk Brillante?
“My experience with Direk Brillante was nakaka-excite kasing magtrabaho si Direk, especially the way he inspires and the way he motivates his staff and the people around him. Siya ‘yung tipo ng director na kapag nagsalita, makikinig ka talaga.
“He’s not paliguy-ligoy pa, he will tell you what he needs and his filmmaking style is really unique and it’s something different na sa filmmaking style ni Direk, eh, we learned so much.
Like it’s okay to make changes along the way kasi kung may nakita kang available things o resources along the way, why not use it?” paglalarawan ni Xian sa premyadong director.
Sa madaling salita, hindi lang dapat dumepende sa script na sabi rin ng ibang naka-work na ni Direk Brillante ay mas okay sa kanila dahil walang script at nasasabi nila kung ano ‘yung gusto nilang sabihin na sa tingin nila ay maganda.
Going back to Xian ay malalaman daw ang sinasabi niyang kakaibang estilo ni Direk Brillante 'pag napanood ang Bahay na Pula.
Samantala, paano iseselebra nina Xian at Kim Chiu ang Valentine’s Day?
“I really don’t like planning Valentine’s kasi I think it’s more of gusto ko either a day or before or two days before.
“Two days nga, parang matagal na, pero definitely, I’ll be spending time with the people closest to me, especially my mom and lola. I’m at a point in my life na gusto ko silang iikot, especially nu'ng nangyari itong pandemic.
“Life is really short and I just wanna give all the love and attention to my mom and lola and be with them as much as possible.
“And of course, my special someone din, I will be with her so sama-sama kaming tatlo,” aniya pa.





Comments