top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hindi lang  gambling lords ang tiba-tiba sa Duterte gov’t., kundi pati kapitalista

BULGAR
Jul 27, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 27, 2021


PAGKABAON SA UTANG NG PILIPINAS AT PAGKUNSINTI SA RAKET NG MGA GAMBLING LORDS, HINDI IBINIDA NI P-DUTERTE SA LAST SONA—Sa last SONA (State of the Nation Address) ni P-Duterte, ibinida niya ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na mga taon, pero may dalawa bagay siyang ginawa na hindi niya isinapubliko: ibinaon niya sa utang ang bansa kung saan umabot na ito ng higit P11 trilyon sa mga financial institution sa mundo, at ang pagkunsinti niya sa mga gambling lords ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operators), Small-Town Lottery o STL-con jueteng at online sabong na nanraraket sa ating mga kababayan, period!


◘◘◘


MAY MGA NAGAWANG MABUTI ANG DUTERTE GOV’T., PERO MAS MARAMI ANG SABLAY—Sa totoo lang, may mga nagawa rin namang mabuti ang Duterte administration, tulad ng 5 years validity ng driver’s license, 10 years validity ng passport at build, build, build infrastructure projects.


Pero sa kabuuan ay mas marami ang sablay, kabilang ang bigong 3-6 months ay wala nang korupsiyon, ilegal na droga at kriminalidad sa bansa, ipaglalaban ang West Philippine Sea (WPS), wawakasan ang kontraktuwalisasyon, suporta sa mga magsasaka, mangingisda, dobladong-suweldo sa mga titser, nurse, at iba pang campaign promise na napako, boom!


◘◘◘


DAMING DISMAYADO SA DUTERTE GOV’T., TAPOS SA SURVEY NG PULSE ASIA AY TOP ANG ‘DUTERTE-DUTERTE 2022’—Ang last SONA ni P-Duterte ay sinabayan ng rally ng iba’t ibang sektor ng lipunan na bumabatikos sa maling polisiya nito at sa social media ay nagpahayag naman ng pagdiskuntento ang majority netizens sa serbisyo ng administrasyong Duterte sa nakalipas na limang taon.


Sa dami ng mamamayang dismayado sa pamamahala ng Duterte administration sa Pilipinas, kataka-taka talaga ang survey ng Pulse Asia na top sa rating ang Duterte-Duterte 2022, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page