Hindi lang basta sugal, negosyo rin ang pulitika, period!
ni Ka Ambo - @Bistado | October 07, 2021
Nagsumite na ng COC si ex-Sen. Bongbong Marcos.
Nagsimula na rin ang “rehash” na black propaganda.
He-he-he!
◘◘◘
TAMA lang si BBM na ‘wag sagutin ang mga tanong kaugnay sa lumang isyu sa mga Marcos.
Nasagot na ‘yan nang magwagi sina BBM at Sen. Imee.
Hindi pinaniniwalaan ng mga botante ang lumang isyu!
◘◘◘
NAG-FILE na rin ng COC sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto.
Nagsabay pa sila ni Marcos.
“Organic part” ng Marcos Administration si Lacson!
◘◘◘
GUMAGANDA na ang presidential race.
Hinihintay na lang ay ang desisyon ni VP Leni at Meyor Inday.
‘Yan ang kokompleto sa derby!
◘◘◘
KALIWA’T kanan ang propaganda.
Normal ‘yan!
◘◘◘
SOLID votes o balwarte ang pinag-uusapan.
Kapag walang balwarte, “out” na agad kahit hindi pa nagsisimula ang kampanya!
◘◘◘
MARAMING kandidato ay “pera-pera” lang.
Ibig sabihin, nangongolekta lang ng “financers”.
Walang talo ang mga “pera-pera” na kandidato.
Kasi’y 70 porsiyento ng makokolekta ay itatago at 30 porsiyento ang gagastusin.
Kahit matalo, bilyunaryo ang “loser” sa presidential election!
◘◘◘
PERO sigurista rin ang mga financer, kapag nahalata na “tinitiyani” ang badyet at bagsak sa survey—bigla ring iiwanan at lilipat ng ibang manok.
Sugal ang pulitika.
At isa rin itong negosyo!
◘◘◘
TANGING si Marcos lamang ang lehitimong “presidentiable”.
Hindi siya kumakandidato para lang “magkapera”.
Kumakandidato si BBM dahil sa ideolohiya at adhikaing ibininhi ng kanyang ama.
Walang ganyang motibasyon ang kanyang mga karibal.
Wala!
◘◘◘
SAKALING totohanin ni Mayor Sara na hindi tatakbong pangulo at suportahan si BBM, tapos na ang laban.
Pero, mahirap na maging llamado agad si Marcos tulad sa nakaraang “VP Race”.
Hindi siya dapat mag-peak nang maaga, posibleng masilat ulit siya!
◘◘◘
Dapat tinitimpla rin ang peak.
Matindi ang pressure kapag tumodo ang “peak” nang malayo pa ang petsa ng eleksiyon.
Makakalaban niya ang kanyang “sarili”!
◘◘◘
MAGKAKAROON ng “pressure from within” ang sinumang No.1 sa survey.
‘Yan ay naranasan ni Mayor Sara sakaling hindi siya tutuloy sa presidential race!
◘◘◘
MAHIRAP i-maintain kapag No.1 sa survey, may malaking tsansa na ma-blunder.
Isa ring posibilidad dito ay “magkaroon ng inner conflict” ang inner circle.
Mag-iinggitan ang mga ‘yan at masesepsepan.
Ang resulta, mag-aaway-away ang mismong inner circle na ikatatalo ng llamadong kandidato!
◘◘◘
ANG magandang posisyon sa survey ay No. 2 o No. 3 lang.
Kumbaga sa karera ng bisikleta o kabayo, antabay lang sa trangko—pahi-pahinga lang muna bago reremate!
◘◘◘
PAANO makakaremate kapag ikaw ay nasa unahan?
Napakahirap, kusang manghihina at mauubos ang enerhiya lalo pa’t malayo pa ang finish line.
Maunawaan sana ito ng mga kandidato!





Comments