Hindi lang basta nag-meet… ALDEN, PROUD NA NAG-HANDSHAKE SILA NI TOM CRUISE
- BULGAR

- May 10, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 10, 2025
Photo: Tom Cruise at Alden RIchards - IG
Personal na na-meet ni Alden Richards at nakausap ang sikat na foreign actor na si Tom Cruise.
Dumayo pa sa Seoul, South Korea ang Kapuso actor para lang um-attend ng premiere ng Mission: Impossible – The Final Reckoning (MITFR) kung saan ang bida ay si Cruise.
Pagbabahagi ni Alden, epic moment ang pagkikita nila ni Ethan (karakter ni Tom) sa movie dahil Ethan din ang karakter niya sa blockbuster movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye (HLG) at sa sequel na Hello, Love, Again (HLA).
Talagang na-star struck daw siya kay Tom nang makita ito.
Para kay Alden, it was truly “mission accomplished”. Ishinare ng Kapuso actor ang video na kuha nilang dalawa sa kanyang Instagram (IG) kung saan nagha-handshake sila ni Tom habang sila ay nasa red carpet.
Ang inilagay na caption ni Alden, “Ethan meets Ethan…”
“I have no words!” dagdag pa niya.
In-acknowledge ng Paramount Pictures ang presensiya ni Alden sa star-studded event.
Anila, “Welcome to the IMF, Agent @aldenrichards02.”
From winning hearts in Philippine cinema to rubbing shoulders with Hollywood royalty, Alden Richards continues to make waves both locally and internationally—proving that his star is only getting brighter.
SOBRA ang suportang ibinibigay ni John Estrada kay Willie Revillame para sa pagtakbo nitong senador ngayong darating na halalan.
Ipinaliwanag niya kung bakit iboboto niya si Kuya Wil.
Aniya, “Napakabait na tao. Mga kababayan, iboboto ko itong tao na ito hindi dahil kaibigan ko siya at mahal ko ‘tong tao na ‘to, kundi dahil alam ko kung gaano n’ya kayo kamahal, lalo na ang mahihirap,” panimula ng aktor.
“Napatunayan na ng isang WILLIE REVILLAME na kung may sakuna na nangyayari sa bansa, milyun-milyon ang inilalabas n’ya sa sarili n’yang bulsa na pinaghirapan n’ya,” dugtong pa niya.
Which is true naman. Hindi lang sa mga trahedyang dumarating sa bansa agad na tumutulong si Kuya Wil, lalo na nu’ng pandemya.
Alam niyang walang kinikita ang mga driver kaya ang ginawa niya ay kumilos siya at tinulungan ang mga ito financially.
Noon pa man ay isa nang public servant ang TV host.
Komento naman ng iba pang netizens:
“May ginintuang puso ang isang WILLIE REVILLAME, napakasimple at walang bisyo at napakabait na tao.”
“Walang alam ‘yan sa pangungurakot, totoo po ‘yan.”
“Kaya ako, iboboto ko ngayon ay ‘yung ALAM KONG MAY MALASAKIT SA KAPWA LALO NA SA MAHIHIRAP, MAGANDA ANG HANGARIN SA KAPWA, LALO NA SA MAHIHIRAP,” deklara pa ni Rigor (John Estrada) sa Batang Quiapo (BQ).
TILA tuluyan na ngang tinalikuran ni Yam Concepcion ang showbiz.
Hindi maitatatwang very happy siya sa piling ng kanyang mister na si Miguel CuUnjieng at sa kanilang baby habang naninirahan sa ibang bansa.
Sa Instagram (IG) ng aktres ay may pasilip sa post-baptismal ng kanilang anak na si Blitz kamakailan.
Ani Yam, “Post-baptism giggles.”
Natuwa naman ang mga followers ni Yam sa pagbabahagi niya ng updated news about her life.
Sey nila, “Side pa lang, pogi na.”
“Awww! Such a beautiful photo of you and your baby!”
“Adorable! Happy Baptism!!”
“I guess he looks like you, side view pa lang, kamukha mo na.”
“Blitz enjoying the moment, cute, awesome picture.”
Isa naman niyang fan ang nagtanong, “Kailan ka babalik ng ‘Pinas, Yam? Gawa ka na uli ng teleserye. Miss ka na namin.”
Isa kasing mahusay na aktres si Yam. Marami siyang magagandang teleserye at movies na tumatak sa isip ng mga tao.
Si Yam ay ikinasal noong July 25, 2021 sa longtime fiancé na si Miguel CuUnjieng sa New York.






Comments