top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi kailangang matakot, ang COVID-19 ay may gamot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 27, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 27, 2021



Maituturing na ordinaryong trangkaso na lamang ang COVID-19.


Taliwas sa ipinananakot ng mga eksperto, may gamot sa COVID-19!


◘◘◘


ANG mga namamatay sa COVID-19 ay mga may co-morbidities.


Siyempre, kahit ano'ng sakit ay ganyan din, delikado ang may mahihinang immune system!


◘◘◘


ANG ordinaryong trangkaso ay mabilis ding makahawa tulad ng COVID-19.


Pareho lang kung pag-uusapan ang bilis at dami ng transmission!


◘◘◘


SA totoo lang, mas mabagsik pa sa COVID-19 ang traditional flu dahil talagang manghihina ang katawan kahit batambata ka.


Naalala mo ba kung kailan ka dinapuan ng ordinaryong trangkaso sa nakaraang dekada?


◘◘◘


SAMPU kaming magkakapatid at halos lahat kami ay nagkasakit ng trangkaso.


Inaalagaan kami ng Inang Talia sa pagpapainom ng gamot tulad ng ibuprofen!


◘◘◘


KAPAG hinihiritan ng ubo at sipon, hinahagod ng aking Inang ang likod at dibdib ko matapos punasan ng “Tiger Balm”.


Iniihaw niya ang kalamansi at ipinaptak sa lalamunan ko ang katas.


Ang pinagpipisan ng kalamansi ay ididikit sa leeg ko gamit ang panyong ipinulupot sa leeg ko.


◘◘◘


IPINAGLULUTO kami ng “pesa” — recipe na itinambog lang ang bangus, patatas, petsay, paminta, luya, patis o asin.


Ang ginagamit na sabaw ay hugas-bigas o ang unang tubig ng bigas bago isaing.


Lalagyan din ng kaunting bigas kaya't ang pesa ay may lugaw din na bahagya!


◘◘◘


SARIWA ang bangus na nabibili sa palengke ng Bigaa (Balagtas ngayon)


Kaya't lasang gatas ang bangus.


Ipinahihigop ang sabaw at malalasahan mo rin ang luya!


◘◘◘


IPIPILIT ng aking Inang Talia na kainin ang patatas at petsay mula sa pesa.


Matapos kumain ng pess ay pagpapawisan ka nang todo!


◘◘◘


NAKAHANDA rin ang isang botelya ng Royal Tru-Orange na may kakambal pang skyflakes bilang meryenda.


Sapat na 'yan, at matapos ang tatlong araw, nakarekober ka na sa trangkaso!


◘◘◘


DAPAT gamitin ang pondo sa pagkakaloob ng libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines.


Pneumonia ang sanhi ng pagkamatay ng mga nagkakasakit ng COVID-19.


Gumagaling ang COVID-19, pero namamatay ang biktima sa pneumonia!


◘◘◘


MAKIKITA natin na walang common sense ang decision maker ng gobyerno.


May solusyon laban sa COVID-19 pero nilaspag ang trilyun-trilyong piso sa walang kuwentang gugulin!


◘◘◘


SA ayaw o sa gusto ng gobyerno, normal ang kilos ng tao ngayon.


Nagiging abnornal lang kasi lugmok at sarado ang mga negosyo!


◘◘◘


TAPOS na ang krisis sa COVID-19, pero ang krisis sa kawalan ng trabaho ay mararanasan sa mahaba pang panahon.


Asahan ang paglala ng kriminalidad, pagdami ng kaso ng pagpatiwakal, pagdami ng kaso ng pagkabaliw!


◘◘◘


MALAGIM ang hinaharap dahil mawawalan ng pananampalataya sa Diyos ang mga nagdarahop.


Isang malaking paghamon ang krisis na ito sa mga magwawagi sa 2022 election!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page