top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hindi girl, Janine… BAGONG INSPIRASYON NI RAYVER, TUKOY NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 21, 2022




Hiyang si Rayver Cruz nang nasa bahay lang dahil tumaba siya kumpara nu’ng nakaraang taon, at ang daming komento sa kanyang Instagram account na "Ang fresh!"


Oo nga, fresh looking ngayon ang singer/TV host/actor dahil nakakapahinga nang husto, workout, naggigitara at pagko-computer games daw ang laging ginagawa sa bahay.


“Tataba talaga kasi hindi lumalabas ng bahay, takot na mahawa (COVID-19),” kuwento ng taong malapit sa binata.


Matatandaang nagka-COVID-19 na si Rayver na kahit asymptomatic ay isang linggo siyang naospital noong nakaraang taon kaya hindi siya nakapag-taping kaagad ng teleserye niya sa GMA-7.


Marahil ay nadala na ang binata, kaya kung kaya rin lang hindi lumabas ng bahay ay 'yun ang kanyang ginagawa. Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang teleseryeng gagawin niya sa Kapuso Network at sa Pebrero pa raw ang start. Sa All-Out Sundays naman ay sa katapusan pa sila kailangan sa studio.


Tinanong namin kung may bagong inspirasyon ngayon si Rayver dahil maganda ang aura niya at masaya.


“Computer games!” ito kaagad ang sagot sa amin ng taong malapit sa aktor.


Binanggit namin ang pangalan ni Julie Ann San Jose at smiling face lang ang sagot sa amin.


Hmmm, ano nga kaya ang real score ng dalawa? Masyadong malihim si Rayver, hindi mahilig magkuwento at magugulat na lang tayo na isang araw, may girlfriend na siya.


Ganito lagi ang estilo ng binata, eh, pangiti-ngiti lang kapag tinatanong kung sino ang crush o nililigawan.


Anyway, kung sinuman ang inspirasyon ngayon ni Rayver ay sana, iyon na talaga dahil hindi na siya bumabata, ‘no?


Isa pang pinagkakaabalahan ngayon ng aktor kasama ang kapatid niyang si Rodjun Cruz at ilang pinsan ay ang negosyo nilang hoodies na CruzFit online na ang magkapatid mismo ang nagdidisenyo at marami na ang nakabili dahil maganda ang tela.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page