top of page
Search
  • BULGAR

Hindi ang misis na si Coleen… BILLY, 17-YEAR-OLD ANG KA-DATE SA FASHION SHOW SA PARIS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 6, 2022


Mukhang pansamantalang natigil ang mga Marites sa pagsubaybay sa tunay na status ng relasyon nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero kaya may bagong target ngayon — sina Billy Crawford at Coleen Garcia naman.


Kasalukuyang nasa France ang mag-asawang Crawford dahil isa si Billy sa mga contestants sa Danse avec les Stars (DALS), ang version ng France ng Dancing with the Stars dance competition.


Napabalita pa ngang sinorpresa ni Coleen ang mister nang sumayaw din siya sa show as guest.


Pero pagkatapos nito, kumalat na ang balitang isang 17-year-old na co-contestant niya sa DALS ang diumano'y ka-date ni Billy nang um-attend sa Etam Lingerie Fashion Show sa France.


Tinukoy ang byuting bagets na si Carla Lazarri, na in fairness, hindi nalalayo sa ganda ni Coleen.


May isang netizen nga ang nagpadala sa amin ng picture nina Billy at Carla at hirit nito na may himig ng pang-iintriga, "Puwedeng-puwede namang isama ni Billy si Coleen sa event na 'yan kung gugustuhin niya talagang isama. Eh, dahil siguro si Carla Lazarri ang ka-date niya that night ay hindi niya isinama ang asawa niya."


Dagdag pa ni "Madam Marites", "My gosh, porke't 30 na si Coleen, sa mas bata pa sa kanya ipinagpalit siya ni Billy."


Luh, may 'palitan ganap' agad? Baka naman nag-bonding lang ang mga contestants ng DALS at nagkataong naging close sina Billy at Carla kaya sila ang magkasama that night na nakunan pa nga ng picture.


Parang nakakapagduda naman na sa France pa magloloko si Billy at makikipag-date sa ibang babae knowing na nandu'n din si Coleen.


At dahil celebrity contestant nga siya ng DALS, sure kaming very aware naman si Billy na kung may gagawin siyang kalokohan ay lalabas at kakalat kahit nasa ibang bansa siya.


Tekaaaa… hindi naman kaya promo lang 'yan sa DALS dance show tulad ng mga gimik ng ilang production company dito sa atin?

Hmmm… what do you think, guys?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page