top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hindi ang magka-baby… ION, B-DAY WISH KAY VICE NA MATAGAL PA SILANG MAGSAMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2022
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 2, 2022




Maraming fans ang naaliw at kinilig sa birthday message ni Ion Perez sa "asawang" si Vice Ganda noong ipagdiwang ng It's Showtime host ang kanyang ika-46 na kaarawan last March 31.


Punumpuno ng pag-ibig ang nilalaman ng kanyang mensahe sa kanyang live-in partner.


Sabi ni Ion, "Araw-araw naman niyang naririnig sa akin ito, kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama."

Dagdag pa niya, "Ang maipapangako ko lang, 'yung buong pusong pagmamahal ko sa 'yo at tapat.


"'Yun lang, Babe. Thank you, Babe. I love you," sweet na bati ni Ion sa nag-iisang Unkabogable Star.


Wish ni Ion kay Vice ay hindi ang pagkakaroon nila ng 'baby', kundi ang magkasama pa sila nang matagal na panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page