top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hinamong ipakita rin ang manoy… DEREK, NAGDISPLEY NG PUWET, TINAWAG NA DUWAG AT BASTOS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | February 1, 2021




Nagpakitang muli ng butt crack o butt cleavage si Derek Ramsay sa bago niyang in-upload na litrato kasama ang isang kaibigan na kuha yata sa bakasyon nila sa isang resort sa Anilao, Batangas.


Ginawa na ito ni Derek dati at pareho pa rin ang reaction ng kanyang mga followers — duwag daw si Derek dahil ayaw humarap.


Of course, hindi sila haharap ng kanyang kaibigan dahil iba ang makikita sa kanila.


May nag-comment pa na bastos daw si Derek dahil nakatalikod sa litrato. Hahaha!


Anyway, isyu na naman na magkasama sina Derek at Ellen Adarna sa naturang resort. Never mind kung kasama ni Ellen ang anak niyang si Elias at friends nito. Ang sigurado lang ay magkasama sina Derek at Ellen.


Mapapansin na sa mga posts ni Ellen sa kanyang Instagram account, nagla-like si Derek at may kasama pang comments, lalo tuloy nati-trigger ang mga netizens.


Hindi na pinansin ni Derek ang mga comments na may next target na naman siya dahil nauna na nilang nabanggit na friends and neighbors lang silang dalawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page