Hinamon ng netizens na magdemanda… ATOM, PUMALAG SA KUMALAT NA NPA ANG MADIR
- BULGAR
- Oct 21, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 21, 2022

Inalmahan ni Atom Araullo ang akusasyon at ipinakakalat ng ilang netizens tungkol sa kanyang ina na diumano'y isang NPA.
Sa Twitter account ni Atom ay dinepensahan niya ang ina.
"I don't usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized.
Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences."
Sinabi niyang ang mga naka-post sa social media tungkol sa ina ay pawang kasinungalingan lang.
"Don't do that. These are lies, probably fed to you by some of the influencers you follow.
Kailan pa naging katanggap-tanggap 'yung ganito?" ani Atom.
May mga nag-uudyok naman kay Atom na idemanda ang mga netizens na nag-aakusa sa kanyang ina nang masampulan.
Mukhang iniintriga na rin ang journalist na si Atom na tahimik lang sa kanyang trabaho.
Nang mag-post siya ng larawan ng diumano'y rumored girlfriend na si Zen Hernandez, doon na nag-umpisang intrigahin ang Kapuso journalist.





Comments