Hinamon ng DNA, todo-iwas… RICHARD YAP, IDINEMANDA NG INABANDONA RAW NA ANAK
- BULGAR
- Oct 13, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 13, 2022

Sinampahan na ng kaso si Richard Yap ng alleged abandoned child niya na nagngangalang Josh Jensen.
Ito ang ibinulgar ni dating Cebu City Councilor Prisca Niña Mabatid sa ipinost niya sa kanyang Facebook account recently.
“Abandoned child by actor Richard Yap filed a case against YAP for paternal suit. As an advocate of the protection and welfare of children, I pray for DNA TESTING kay maluoy ko sa bata. Pero 'di man cya pa-test but once the court orders, wala cya'y mahimo? In my opinion liwat kaayo cya ni Richard Yap,” caption ni Niña sa kanyang FB post.
Dugtong pa niya, “Josh Jensen good luck dong, truth shall prevail.”
Nag-post naman ng comment ang nagke-claim na anak ni Richard sa FB post ng dating konsehal.
“Alam naman natin 'yung totoo, hindi mo lang matanggap sa sarili mo. Hinahamon kita magpa- DNA test, ayaw mo. Bakit? Takot ka malaman nilang lahat? Sana naman magpakalalaki ka kahit minsan lang. Alam mong matagal ka na naming hinahanap para makausap nang maayos, kaso wala, eh, puro ka iwas. Hinintay mo pang dumating sa puntong 'to. Ngayong dumating na, siguro, oras na rin para magkaharap-harap tayo, para malaman na rin nila kung ano ba talaga 'yung totoo. 'Wag kang mag-alala, si Lord na bahala sa lahat,” mensahe ng alleged abandoned child ni Richard na si Josh.
Bukod sa dokumento ng isinampang kaso laban kay Richard, makikita rin ang pinagsama-samang larawan ni Josh sa FB post ng dating konsehal sa Cebu City. At based sa mga larawan ni Josh, maputi at may pagka-tsinito rin siya gaya ni Richard.





Comments