top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hinalikan ng aktor, kilala raw niya… YASSI, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BADING SI JAMES

BULGAR
May 27, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 27, 2022



Ipinagtanggol ni Yassi Pressman ang kaibigang si James Reid sa espekulasyong gay ito dahil nga sa nag-viral na kissing photo ng aktor sa kapwa-lalaki na nagngangalang James din.


Sa press tsikahan with Yassi para sa Season 2 ng Rolling In It Philippines last Wednesday, isa sa mga naitanong sa kanya ang issue kay James since best friend niya ito.


“No, no, no,” sunud-sunod na pagtanggi ni Yassi sa issue na gay si James.


It turned out na kilala rin pala niya ang non-showbiz na James na kasama ni Reid sa larawan.


“Yeah, oo, they’re business partners. And James, me and James Reid, we all have the same birthday. So, baka binati lang nila ‘yung isa’t isa ng ‘Happy birthday,’” paglilinaw ni Yassi.


Samantala, natanong din ang aktres hinggil sa pagpanaw ng veteran actress na si Susan Roces na as we all know ay nakasama niya sa mahabang panahon sa FPJ’s Ang Probinsyano.


Ayon kay Yassi ay hindi siya makapaniwala nang malaman niya ang malungkot na balita dahil last month lang ay itinext pa niya ito.


“After ko pong mag-visit kahapon (sa wake), siguro I was able to let her know how I feel. It was very emotional for me yesterday din po. Siguro, kaya rin po wala akong boses kasi hindi rin ako masyadong nakatulog kasi siyempre, the last time I was there was for my dad,” kuwento ni Yassi.


Kagagaling lang daw niya sa Bacolod para dumalo sa isang wedding nang mabalitaan niya ang tungkol sa pagpanaw ni Tita Susan. Last month lang daw ay nag-message pa siya rito pero ang nag-reply daw ay ang apo nitong si Bryan Llamanzares.


Nagtaka siya kung bakit hindi si Tita Susan ang nag-reply at tinanong niya si Bryan kung ok lang ba ang veteran actress.


“Sabi naman ni Bryan, she’s okay. So, hindi na po ako nagtanong. But I just couldn’t believe that that happened," seryosong sabi ni Yassi.


Aminado siyang mahirap din para sa kanya ang nangyari dahil ilang taon niyang halos araw-araw kasama si Tita Susan sa taping ng FPJAP.


On the lighter side of things, masaya si Yassi na marami ang natutuwa sa style of hosting niya sa Rolling In It Phils. ng TV5 na muling nagbabalik para sa Season 2.


Muling ibabahagi ni Yassi ang kanyang hosting prowess sa bagong season ng programa, kung saan mapapanood sina Nadine Lustre, YouTube sensation Chad Kinis, at theater star Jerald Napoles sa pilot episode nito. Maliban sa mga showbiz stars, mapapanood din sa brand new season ang mga sports personalities, comedians, at iba pa.


Ang unang season ng Rolling In It Philippines ay nag-premiere noong June, 2021, kung saan nakita ng mga viewers ang offscreen at playful side ng mga celebrities at multifaceted talents na nagpasaya sa bawat Sabado ng mga pamilyang Pilipino.


Magsisimula naman ang Season 2 ngayong May 28, 7:30 PM sa TV5. Mapapanood ang catch-up episodes sa Cignal TV CH. 3 at SatLite CH. 30. Maaari ring mag-download ng Cignal Play App para mapanood ito Live at On-demand para sa Android at iOS users.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page