top of page
Lakam Chiu arrested - Circulated ABS-CBN.jpg

Hinahabol at pinagbabayad na raw… MICHAEL V., KUMANTA KUNG BAKIT NAWALAN NG GANANG GUMAWA NG PARODY SONGS

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 24, 2026



Michael V., kumanta kung bakit nawalan ng ganang gumawa ng parody songs

Photo: Bitoy



May dahilan naman pala kung bakit hindi na madalas gumawa ng parody song si Michael V. kahit marami ang nagre-request. 


Magaling gumawa ng parody song si Bitoy, laging on point at naaaliw ang mga nakakarinig.


Madalas ay sa Bubble Gang (BG) napapanood ang mga parody songs niya, but for some time, natigil ito at akala ng kanyang mga fans, tinatamad lang siya. 


Sa interview sa kanya nang mag-guest sa The KoolPals podcast, sinabi nito ang dahilan.


Aniya, “Dati walang problema. There was a time na ang lumalapit pa, ‘yung mga record companies na parang, ‘Uy, i-spoof n’yo naman ‘yung kanta namin, i-parody n’yo naman ‘yung kanta namin.’”


Nagbago lang ang lahat nang maging istrikto ang music companies sa pagbibigay ng permit na gawan ng parody ang mga songs na pag-aari nila.


“Pero ngayon, nagkaroon na ng ganu’n. Lumalapit na ‘yung mga music companies sa inyo. Tapos, biglang naging mahigpit na, kailangang kumuha ng permit. Tapos, later on, kailangan mo nang magbayad.


“So, parang du’n na ‘ko unti-unting nawawalan ng gana, kasi ‘di mo na magawa ‘yung gusto mo,” dagdag ni Michael V.


Pero, may pagkakataon at kung kumpleto na ang requirements na hinihingi ng music companies, gumagawa pa rin siya ng parody song. Kapag dumarating ang chance na iyon, hindi dini-disappoint ni Michael V. ang mga fans.


Gaya na lang ng bagong parody song niyang Eh Kulang mula sa hit song ng Nobita na Ikaw Lang and performed by his parody persona ‘Nokita’. Nang i-launch niya ang song sa BG last September 20, tuwang-tuwa ang mga fans. Na-miss nila si Michael V. na kumakanta ng parody song, lalo na ang bagong song na patungkol sa current issues sa gobyerno.


Nakakatuwa pa na nakasuot ng Barong Tagalog at salakot si Michael V. habang kumakanta, at ang background ay parang Senado. 

Listen to the song at matutuwa kayo at mapapaisip.





Retokada raw siya…

ANNE, SINOPLA ANG BASHER, NATAMEME



FOLLOW-UP ito sa akusasyon kay Anne Curtis na retokada. 

The other day, sinagot ng aktres ang basher na nag-post ng mukha ng anak niyang si Dahlia at sinabing patunay ito na retokada si Anne. 


Tanong pa nga ni Anne, bakit daw galit na galit sa kanya ang netizen. 

Ngayon naman, sinagot niya ang nagpayo sa kanya na huwag niyang patulan ang mga nega comments. 


Sey kasi ng fan kay Anne, “Please stop reading comments and responding to haters. ‘Di nila deserve ang attention ng dyosa!” 


Kinowt pa nito ang sey ni Taylor Swift sa isang interview na “Think of your energy as if it’s like a luxury item.”


Sagot ni Anne, “Minsan lang naman, pagbigyan n’yo na ‘ko. And it was more of making that person realize that instead of feeling so much hate and bitterness, try replacing those ill feelings with kindness, it’ll make them feel so much better. ‘Di nakakaganda ‘yung may galit sa life.”


Nag-agree ang mga fans na nakabasa sa sagot ni Anne dahil naniniwala sila na minsan, kailangang mag-react at hindi hayaan ang false narrative ng basher. 


Saka, minsan lang mag-react si Anne at tama nga, pagbigyan natin siya para lang matauhan ang basher. Ayun, nanahimik at hindi na sumagot.





NAKATANGGAP kami ng press release mula sa Fire and Ice announcing Ice Seguerra’s return to his Broadway and Disney roots. 


He returns with a concert billed Ice Sings! An Intimate Concert Series—Part 1: Broadway & Disney, happening on November 6 & 7, 2026 at the Music Museum.

For his first live installment, ang repertoire ni Ice ay songs from Broadway musicals at Disney films: music filled with characters searching for love, courage, belonging and the freedom to become themselves.


“These songs shaped me growing up—as a singer, an actor and a person. I’m excited to sing them now as the person I’ve become,” sabi ni Ice.


Nabanggit din ni Ice ang late mom niyang si Mommy Caring na siyang nag-introduce sa kanya sa musical. 


“Lumaki ako watching The Sound of Music and West Side Story. I was taking voice lessons at the UP (University of the Philippines) College of Music when I was seven. I sang Part of Your World from The Little Mermaid at my recital. Pang-Disney princess ang song choice ko nu’n,” pagbabalik-tanaw ni Ice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page