Higit 300 flights, kanselado dahil sa Bagyong Uwan
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
by Info @News | November 9, 2025

Photo: File
Kanselado na ang nasa 324 flights mula nitong Sabado, Nobyembre 8 hanggang Lunes, Nobyembre 10 dahil sa epekto ng Bagyong #UwanPH.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), parehong apektado ang domestic at international flights sa nasabing kanselasyon.
Nakapagtala rin ng tatlong flight na nag-divert at patungo sanang Bicol dahil sa hirap mag-landing dulot ng masamang panahon.








Comments