top of page
Search

by Info @News | November 11, 2025



JV Ejercito

Photo: Sen. JV Ejercito / FB



Nakiisa si Sen. JV Ejercito sa panawagang protektahan ang bundok ng Sierra Madre kasunod ng pagpapahina umano nito sa Bagyong #UwanPH nitong Lunes, Nobyembre 10.


“Just as the Sierra Madre shields us from the storm by weakening its power, we must also protect it from those who seek to destroy it,” ayon kay Ejercito.


Ang Sierra Madre ay itinuturing bilang isang ‘shield’ ng mga taga-Luzon tuwing may paparating na bagyo.

 
 

by Info @News | November 11, 2025



Bagyong Uwan sa Dilasag, Aurora - Bonifacio Pascua Fronda FB

Photo: Bonifacio Pascua Fronda / FB



Anim ang naitalang patay matapos ang pananalasa ng Bagyong #UwanPH, ayon sa inilabas na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Nobyembre 11,


Kasabay nito, nasa 13 ang naitalang sugatan habang wala pa umanong naipapaulat na nawawala.


Batay din sa inilabas na datos ng ahensya, nasa higit 2.3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo kung saan higit isang milyon naman ang na-displaced.

 
 

by Info @News | November 9, 2025



Kiko Pangilinan

Photo: File



Kanselado na ang nasa 324 flights mula nitong Sabado, Nobyembre 8 hanggang Lunes, Nobyembre 10 dahil sa epekto ng Bagyong #UwanPH.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), parehong apektado ang domestic at international flights sa nasabing kanselasyon.


Nakapagtala rin ng tatlong flight na nag-divert at patungo sanang Bicol dahil sa hirap mag-landing dulot ng masamang panahon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page