Galit na galit... HERBERT, HINARANG, 'DI PINAPASOK AT PINATID PA SA CAMPAIGN RALLY NG UNITEAM
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 19, 2022

Viral sa social media ang hindi pagpapapasok kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista nang pumunta siya sa venue ng UniTeam rally, kung saan isa siya sa mga aspiring senators ng partido.
Nagtaka ang dating alkalde kung bakit sila hinarang ng isang marshal na nakatalaga sa campaign sortie.
Ang nasabing UniTeam really ay ginanap sa IBP Road, Quezon City nito lang nakaraang April 13, 2022.
Hindi sukat-akalain ni Bistek na sa dati niyang balwarte kung saan nanungkulan siya ng dalawang termino bilang vice-mayor at siyam na taong mayor ng lungsod ay haharangin siya.
Marami ang nakasaksing publiko sa commotion dahil sa sobrang galit ng senatorial aspirant. Hinanapan kasi ng marshal ng wristwatch patch ang grupo ni HB though may ipinakita na silang katibayan na kasama sila sa UniTeam rally.
Nakunan ng mga cellphones at video cameras ang buong pangyayari mula sa pagdating niya hanggang sa pakikipag-usap sa event marshals.
Tanong ng marshal, "Sino po ang contact person ninyo?"
Maririnig sa video ang sinabi ng dating alkalde, “Sige, hindi na ako magra-rally dahil sa iyo," habang nakatalikod na naglalakad.
Seryoso ang tono ni Herbert, na sinabihan ang kasama ng: “Kunin mo ang pangalan niyan. Hindi ako magra-rally dahil sa iyo. Pati mga kasama ko, hindi mo pinapapasok."
Humingi naman ng sorry ang marshal at nagpaliwanag.
"Huwag kang mag-sorry sa akin, mag-sorry ka sa kanila. Ano ang pangalan mo? Ibigay mo sa akin ang pangalan mo.
"Ako si Herbert Bautista… Ano'ng pangalan mo?" tuluy-tuloy na sabi ng aktor-pulitiko.
Nabigyan naman ng bracelet pass ang grupo ni Herbert. Isang lalaking nakasuot ng Quezon City mayoral candidate Mike Defensor t-shirt ang nagbigay ng bracelet passes.
Okey na sana ang lahat. Ang siste, may isa na namang pangyayari. Sa pagpasok ni HB, napatid umano ito.
"Pinatid mo ako? Naramdaman kong pinatid mo ako. Bastos ka! Pinatid mo ako!" mataas ang boses na sabi ni Herbert na nabigla sa kanyang pagkakatisod.
Paulit-ulit niyang tinanong ang marshal: "Bakit mo ako pinatid? Bakit mo ako pinatid? Pinatid ako, eh.”
Galit na galit si Herbert dahil sa paniniwalang pinatid siya ng marshal.
Hindi naman makikita sa video kung paa ba ng marshal o ibang bagay ang nakapatid sa aspiring senatorial candidate.





Comments