top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Herbert, binanatan sa rally ni Leni… KRIS: 'WAG N'YONG IBOTO, SAYANG LANG DAHIL 'DI MARUNONG TUMUPAD

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2022
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 25, 2022




Maraming pumuri kay Kris Aquino na kahit nagpapagaling pa sa kanyang karamdaman, pinilit pa ring dumalo sa isinagawang people's rally sa Tarlac nitong nakaraang araw.


Bukod sa pag-eendorso kay VP Leni at sa mga KakamPinks na senatoriables, hindi pinalampas ni Kris ang pagkakataong sumbatan ang isang kumakandidato ring senador na dati niyang "ka-close" at nasa kalabang partido ngayon.


Sa kanyang speech, pinasaringan niya ang naturang kandidato na walang 'palabra de honor' o hindi marunong tumupad sa napag-usapan.


Hindi man nito binanggit ang pangalan ng kandidato, maraming Assumptionista (mga assuming at Marites) ang humuhula na si Senatoriable Herbert Bautista ang kanyang tinutukoy.


'Di nga ba't nagkaroon ng saglit na relasyon sina Kris at Herbert na bagama't hindi nila inaamin ay wala namang nagdedenay sa dalawa ukol sa kanilang pagkakamabutihan?

Ani Kris habang kausap si Angel Locsin sa naturang rally, "Sinabi mo (Angel) 'yung may karelasyon. 'Di ba, 'yung isa, nasa UniTeam, 'yung ex?"


Dagdag pang paalala ni Kris, "Oh, 'wag n'yo iboboto 'yun, ah? Sayang ang boto dahil hindi naman marunong tumupad sa mga ipinangako. Dedma, please?"


Pahulaan tuloy kung ano ang naipangako sa kanya ng kanyang tinutukoy na kandidato.

Sey ng mga 'Marites', baka 'yung tila naipangakong 'kasal' na hindi na nga natuloy ang ipinagsisintir ni Kris Aquino?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page